Jinggoy introduces anti-discriminatory law for IPs

SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada has introduced a measure making unlawful the discrimination in the hiring and firing of indigenous people.

“To exclude any person from any employment opportunities because of his religion or ethnic origin is unacceptable. Hindi dapat maging batayan sa pagbibigay o pamamasukan sa trabaho ang pagkakabilang sa pangkat ng mga katutubo o pagkakaroon ng ethnic origin,” Estrada said in filing Senate Bill No. 1026.

Aside from ensuring equal employment opportunities to members of indigenous cultural communities, the chairperson of the Senate Committee on Labor Employment and Human Resource Development said his proposed legislation is also aimed at addressing poverty and inequalities being experienced by indigenous groups.

The International Labor Organization (ILO) noted in a 2020 report that indigenous people are nearly three times as likely to be living in extreme poverty as their non-indigenous counterparts. 

To guarantee equal employment opportunities to members of indigenous cultural communities, Estrada proposes to give preference to them in areas where they are predominant.

As such, it shall be unlawful for an employer to refuse to hire or discriminate against them on matters concerning salary, work conditions, and promotion or use it as justification in their firing, he said.

Under SB 1026, it shall also be illegal for a labor union or federation to exclude or expel from its membership any person because of his religion or ethnic origin, unless religion or ethnic origin would affect the operation of the business or enterprise. 

Every employer shall also respect the employee’s right to actively participate in religious or ethnic activities, Estrada said. 

In areas where indigenous cultural communities predominate, Estrada proposed to have at least 10% of the rank-and-file positions in government service be reserved for their employment provided that their appointment is in accordance with civil service laws.

As much as P500,000 or a jail term of up to six years will be imposed against those who will commit such discriminations.

“The benefits and safeguards embodied in this bill are some of the necessary mechanisms to enforce and guarantee the realization of the rights of indigenous people, taking into consideration their customs, traditions, and values,” Estrada said.


Batas laban sa diskriminasyon ng mga katutubo, inihain ni Jinggoy

IPINAPANUKALA ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada na gawing iligal ang diskriminasyon sa pamamasukan sa trabaho ng mga miyembro ng mga grupong katutubo. 

“Ang pigilan ang sinuman ng tao na mamasukan sa trabaho dahil sa kaniyang relihiyon o ethnic origin ay hindi katanggap-tanggap. Hindi dapat maging batayan sa pagbibigay o pamamasukan sa trabaho ang pagkakabilang sa pangkat ng mga katutubo o pagkakaroon ng ethnic origin,” sabi ni Estrada sa paghahain ng kanyang Senate Bill No. 1026.

Bukod sa pagtiyak ng pantay na oportunidad sa trabaho sa mga miyembro ng indigenous cultural communities, sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Labor Employment and Human Resource Development na layon din ng kanyang panukalang batas na iangat mula sa kahirapan at tugunan ang hindi pantay na trato na kinakaharap ng mga katutubo.

Sa isang ulat na inilabas ng International Labor Organization (ILO) noong 2020, lumabas na ang mga katutubo ay tatlong antas na mas hirap sa pamumuhay kaysa sa mga hindi napapabilang sa kanilang komunidad. 

Upang matiyak ang pantay na oportunidad sa trabaho ng mga indigenous people, iminungkahi ni Estrada na bigyan prayoridad sa trabaho ang mga katutubo sa mga lugar kung saan karamihan sa kanila ay namumuhay o namamalagi. 

Magiging labag sa batas para sa mga employer na tanggihan sila o i-discriminate sila sa mga usapin tungkol sa suweldo, kondisyon sa trabaho at promosyon o gamitin itong katwiran upang tanggalin sila, aniya. 

Sa ilalim ng SB 1026, ipinagbabawal sa mga unyon ng manggagawa o pederasyon na ibukod o paalisin sa pagiging miyembro ang sinuman dahil sa kanilang relihiyon o ethnic origin, maliban na lang kung ang relihiyon o ethnic origin ay maka-aapekto sa pagpapatakbo ng Negosyo. 

Dapat ding igalang ng bawat employer ang karapatan ng empleyado na aktibong lumahok sa mga gawaing panrelihiyon o may kinalaman sa kanilang kinabibilangang katutubong komunidad.

Sa mga lugar kung saan mayorya sa mga namumuhay ay mga katutubo, iminungkahi ni Estrada na kailangang hindi bababa sa 10% ng mga rank-and-file na posisyon sa gobyerno ay nakalaan para sa kanila basta ito ay naaayon sa mga umiiral na civil service laws.

Papatawan ng multa na aabot sa P500,000 o pagkakakulong na hindi hihigit sa anim na taon ang sinuman na lalabag sa batas. 

“Ang mga benepisyo at proteksyon na nakapaloob sa panukalang batas na ito ay ilan sa mga kinakailangang mekanismo upang ipatupad at magarantiya ang pagsasakatuparan ng mga karapatan ng mga katutubo at isaalang-alang ang kanilang mga kaugalian, tradisyon at values,” sabi ni Estrada.