WATCH | GOCC, hinimok ni Jinggoy na tapusin na ang isyu ng unpaid wages ng mga empleyado ng PTV, IBC-13

Hinimok ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporations (GOCC) na resolbahin na ang hanggang ngayon ay nakabinbin pang pagkakautang ng gobyerno na mga back wages at unsettled benefits sa mga empleyado ng People’s Television Network Inc. (PTN) at Intercontinental Broadcasting Corp. (IBC-13).

Bagamat naglaan ng budget ang Kongreso para sa mga bayaring ito, napag-alaman ni Estrada na hindi pinahintulutan ng GCG ang paggamit ng nasabing pondo para bayaran ang mga back pay at unpaid benefits ng mga empleyado ng PTN at IBC-13.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabi ng GCG na maaari lamang gamitin ng dalawang broadcast stations ang kanilang corporate funds para punan ang mga nasabing bayarin batay sa mga umiiral na batas at alituntunin ng gobyerno.

Napagalaman ni Estrada, na siyang chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources, na itinigil ng pamahalaan ang pagbabayad ng overdue benefits ng IBC-13 noong 2009. Sa pagnanais na mabayaran ang mga empleyado, itinulog ng kumpanya ang pagbabayad sa ilang empleyado sa pamamagitan ng P10,000 kada buwan na installment at 20% ng kanilang mga benepisyo ngunit ito ay natigil din noong 2014 matapos maubusan ng pondo ang istasyon.

PRESS RELEASE: https://bit.ly/3lAfUVq

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

1 + six =