
PH remains deadliest in Asia for 13th straight year
Jinggoy seeks Senate probe into killings of environmental defenders
SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada is seeking a Senate inquiry into the continuing killing of environmental defenders in the country, following a Global Witness report that named the Philippines for the 13th consecutive year as the deadliest country in Asia for those who stand up to protect their land, natural resources, and communities.
Estrada has filed Senate Resolution No. 697, urging the appropriate Senate committees to look into the Global Witness 2026 report to determine what legislative measures are needed to protect environmental defenders and hold perpetrators of these attacks accountable.
“Hindi tayo dapat magbulag-bulagan, lalo na’t patuloy na nangyayari ito: mga ordinaryong tao na ipinagtatanggol lang ang kanilang lupa, kabuhayan, at kalikasan, ngunit nagbuwis ng buhay. Hindi dapat nangyayari ito,” Estrada said.
The report documented at least 124 land and environmental defenders killed worldwide in 2025. The Philippines recorded 12 cases, the highest number outside Latin America, tying with Honduras for the third-highest total globally, behind Colombia with 39 and Brazil with 26.
Of the 12 victims in the Philippines, six were indigenous peoples, three were small-scale farmers, and one was a journalist.
The report also flagged five killings involving the suspected participation of the Philippine military. Among those cited was Veronico Anterio, a 65-year-old farmer who was allegedly shot dead by soldiers after speaking out against restrictions imposed on residents’ working hours and movement.
Global Witness further raised concerns over the use of criminalization and “red-tagging,” the practice of labeling individuals or groups as communist insurgents or terrorists, which expose environmental advocates to threats, harassment, and other forms of reprisal.
From 2012 to 2024, the organization recorded a total of 306 killings and disappearances in the Philippines.
Estrada said the figures are a black mark on the country’s reputation, especially given its commitments under international human rights agreements, adding that these point to an apparent failure to protect Filipinos from violence.
He said the Senate inquiry would provide an opportunity to examine the disturbing findings, assess the adequacy of existing safeguards, and identify gaps in the law that leave environmental defenders vulnerable to violence and intimidation.
“Mahigit isang dekada na ang lumipas, pero patuloy pa rin ang mga pagpatay. Dapat panagutin ang mga maysala at bigyan ng katarungan ang mga biktima at kanilang mga pamilya,” the seasoned lawmaker said.
Jinggoy, isinusulong ang imbestigasyon sa Senado sa pagpatay sa ‘environmental defenders
ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa Senado hinggil sa patuloy na pagpatay sa mga tagapagtanggol ng kapaligiran sa bansa, kaugnay ng ulat ng Global Witness na nagbansag sa Pilipinas na pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga naninindigan at nagtatanggol ng kanilang mga lupain, likas na yaman at mga komunidad sa loob ng 13 magkakasunod na taon.
Inihain ni Estrada ang Senate Resolution No. 697 na humihimok sa pagtatalaga ng komite ng Senado para suriin ang Global Witness 2026 report upang matukoy kung anong mga kaukulang hakbang at kakalangan sa mga umiiral na batas ang kailangang repasuhin para maprotektahan ang mga tagapagtanggol ng kalikasan at mapanagot ang mga may sala sa mga pag-atakeng ito.
“Hindi tayo dapat magbulag-bulagan, lalo na’t patuloy na nangyayari ito: mga ordinaryong tao na ipinagtatanggol lang ang kanilang lupa, kabuhayan, at kalikasan, ngunit nagbuwis ng buhay. Hindi dapat nangyayari ito,” ani Estrada.
Ayon na nasabing ulat, hindi bababa sa 124 na tagapagtanggol ng lupa at kapaligiran ang napatay sa buong mundo noong 2025. Naitala sa Pilipinas ang 12 na kaso, ang pinakamataas na bilang sa labas ng Latin America at kapantay ng bansang Honduras sa ikatlong pwesto sa buong mundo, kasunod ng Colombia na may 39 at Brazil na may 26 na kaso.
Sa 12 na natalang biktima sa Pilipinas, anim ang mula sa mga katutubong grupo, tatlo ay mga magsasaka at isa ay mamamahayag.
Binigyang-diin ng nasabing ulat ang limang pagpatay na may pinaghihinalaang pagkakasangkot ng militar ng Pilipinas. Kabilang sa binanggit si Veronico Anterio, isang 65-taong-gulang na magsasaka na diumano ay binaril at napatay ng mga sundalo matapos niyang magsalita laban sa mga paghihigpit sa oras ng pagtatrabaho at kalayaang makagalaw ng mga residente.
Nagpahayag din ang Global Witness ng pag-aalala sa paggamit ng kriminalisasyon at “red-tagging,” ang pagtatatak sa mga indibidwal o grupo bilang mga komunistang rebelde o terorista, na nagdudulot ng banta, panliligalig, at iba pang anyo ng paghihiganti sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.
Mula 2012 hanggang 2024, nakapagtala ang organisasyon ng kabuuang 306 pagpatay at pagkawala sa Pilipinas.
Ayon kay Estrada, isang itim na marka sa reputasyon ng bansa ang mga bilang na ito, lalo na’t may commitment ang Pilipinas sa mga internasyonal na kasunduan sa karapatang pantao. Idinagdag niyang ipinapakita nito ang tila kabiguan sa pagprotekta sa mga Pilipino laban sa karahasan.
Sinabi niyang magkakaroon ng pagkakataon ang Senado upang suriin ang nakababahalang ulat, tasahin kung sapat ang mga umiiral na proteksyon, at tukuyin ang mga puwang sa batas na maaaring nagagamit para ma-expose sa karahasan at pananakot ang mga tagapagtanggol ng kalikasan.
“Mahigit isang dekada na ang lumipas, pero patuloy pa rin ang mga pagpatay. Dapat panagutin ang mga maysala at bigyan ng katarungan ang mga biktima at kanilang mga pamilya,” ani ng batikang mambabatas.

