Co-Sponsorship Speech on Senate Resolution No. 131 Honoring Sports Icon Lydia De Vega

Co-Sponsorship Speech
On Resolution No. 131 Honoring Sports Icon Lydia De Vega
August 15, 2022
Senate of the Philippines

Mr. President, distinguished colleagues, good afternoon.

I stand in line to honor the late Lydia De Vega-Mercado, a remarkable Filipino who put the Philippines on the world map, as Asia’s Fastest Woman.

Bagamat naiulat ang pagiging malubha ng kanyang kalagayan, ilang linggo na ang nakaraan, naging mabigat pa rin ang balita ng kanyang pagpanaw noong Miyerkoles ng gabi.

Ang pagbuhos ng pakikipagdalamhati sa mga naulila ni Diay ay hindi na nakapagtataka lalo na’t tumatak siya sa kamalayan ng nakararami sa atin sa larangan ng pampalakasan ilang dekada na ang nakakaraan.

Sa mundong kinabilangan niya na tradisyonal na pinangungunahan ng mga kalalakihan, si Lydia ang nagsilbing inspirasyon sa mga Pilipinang atleta at nag-angat ng antas ng kababaihan sa talaan ng Philippine sports.

Sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, hindi nagawang mabura ang kanyang national at Southeast Asian record na 11.28 seconds sa 100-meter event na kanyang naitala sa 1987 SEA Games sa Indonesia. Inabot din ng mahigit tatlong dekada bago nahigitan ang 200-meter Philippine record ni Lydia sa track and field.

Maybe in another lifetime we will come across another female giant of Philippine sports and topple her victories in 53 international competitions.

Hindi madaling mapantayan ang iniukit sa kasaysayan ng Philippine sports ni Diay — isang national treasure na maituturing and one of the greatest athletes the country has ever produced.

Sa kanyang pinakahuling laban, hindi na nagawang mapagtagumpayan ni Lydia ang hamon na kanyang hinarap. Ito na ang final lap ni Diay.

Paalam Diay. Maraming salamat sa maraming beses na pagwagayway ng watawat ng Pilipinas para ipamalas ang galing ng atletang Pilipino. Rest well, Diay. You fought the good fight. Rest well, Legend.

May I request our colleagues to adopt Senate Resolution No. 131 authored by this representation. Maraming Salamat, Mr. President. Magandang hapon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

two × 5 =