Nais kong bigyan diin ang mga bagay na ito:
I will remain firmly with the majority bloc under the leadership of Senate President Alan Peter Cayetano. Hindi ako matitinag sa anumang panggigipit, pananakot, political maneuvering para talikuran ang paninindigan kong ito.
I will not yield to threats. I will not be intimidated. I will not be pressured into surrendering my independence of judgment.
I am giving instructions to the Senate Secretary to put my salary on hold. Personal kong pasya ito upang ipakita sa sambayanang Pilipino na wala akong intensiyong makinabang sa pondo ng bayan habang nililinis ko ang aking pangalan.
At higit sa lahat, hindi ako papasailalim sa kustodiya ng Senado. I will not seek Senate custody. Hindi ko gagamitin ang Senado bilang panangga laban sa mga alegasyon sa akin.
Nakahanda akong ipagtanggol ang aking sarili sa hukuman at hindi ako magtatago sa likod ng institusyong ito upang umiwas sa proseso. Ipagtatanggol ko hanggang sa huli ang aking sarili para patunayan na walang batayan ang mga paratang sa akin.
Kalokohan ang lahat ng ito. Mismong ang Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) ang nagsabi sa Ombudsman na wala silang anumang dokumento o rekord na nagpapakita na ako ay nagpasok ng anumang insertion sa 2025 national budget. Ang mahalagang impormasyong ito ay kinilala pa mismo ni dating Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson bilang isang makabuluhang ebidensya na sumasalungat sa mga alegasyong ibinabato laban sa akin.
So how can the Office of the Ombudsman file a plunder case against me when I am not even alleged to be part of, or the mastermind of, the supposed scheme? Wala akong kinalaman dyan.
Ngayon ko lang ito isasapubliko ito: Maraming beses akong inalok na talikuran ang independent majority bloc kapalit ang pagbabasura sa aking kaso, ngunit hindi ko ito tinanggap. Mas nanaig ang paninindigan ako na manatili sa hanay ng mga kasamahan ko sa independent majority bloc.
Kung sino sila, abangan n’yo na lang ang susunod na kabanata.
I stand my ground because what is at stake here goes far beyond my personal circumstances. What is at stake is the independence of the Senate itself.
This institution must never become vulnerable to external pressure. It must remain free from political coercion, free from undue influence, and free from any scheme designed to weaken its constitutional role as a co-equal and independent branch of government.
If this is the price I must pay for the decisions I have made and the principles I have chosen to uphold, then I am prepared to face the consequences—however difficult they may be, especially for my family.
I will not be broken by accusations, nor will I yield to political pressure. I will meet these charges head-on, defend my honor through due process, and place my faith in the truth.

