
“Itago n’yo ‘yung CCTV.”Kung pagbabasehan ang real-time footage na kuha matapos ang shooting incident, malinaw na ang aking sinabi ay pagsang-ayon sa naging usapan na i-secure at pangalagaan ang CCTV footage na maaaring magsilbing mahalagang ebidensya sa insidente ng pamamaril.
Sa gitna ng kaguluhan, agarang ipinag-utos ni Senate President Alan Peter Cayetano ang pag-secure ng CCTV footage, habang maririnig din sa video ang pagtatanong ni Sen. Loren Legarda kung nahagip ng CCTV ang pangyayari. Ang konteksto ng usapan ay malinaw, direkta, at walang anumang bahid ng ibang kahulugan.
Nakakalungkot na may ilang media outlets at online platforms na sadyang binaluktot ang aking pahayag upang lagyan ito ng malisya at maghasik ng maling interpretasyon sa publiko. Mariin kong kinokondena ang ganitong uri ng iresponsableng pamamahayag at tahasang pagbaluktot sa katotohanan para lamang makalikha ng intriga, “clicks,” at pansamantalang ingay sa social media.
This is not journalism. This is reckless sensationalism masquerading as news. Ang mas nakababahala, sa panahon kung kailan mabilis kumalat ang maling impormasyon, may mga patuloy na ginagamit ang kanilang plataporma hindi upang magpaliwanag ng katotohanan kundi upang manipulahin ang salaysay at linlangin ang publiko.
I call on all members of the media to uphold the highest standards of fairness, accuracy, and professionalism. Journalism carries with it the solemn responsibility of presenting facts truthfully and in proper context. Hindi dapat gawing negosyo ang paninira, at lalong hindi dapat gawing libangan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
The public deserves better than distorted narratives and irresponsible reporting disguised as journalism.

