Jinggoy: Legislate 1K monthly hazard pay for barangay tanods

SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada has proposed the legislation of a P1,000 monthly hazard pay to all duly-appointed barangay tanods, saying they deserve such incentive given the hazardous duty they perform in ensuring peace and order in the community.

“Malaki ang ambag ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. Sila ang nagpupuyat sa gabi at frontliner, gaya ng nasaksihan natin noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Kakarampot na halaga ito kapalit ng kanilang serbisyo, sakripisyo at pagkakawanggawa,” Estrada said.

Estrada’s Senate Bill No. 794 proposes the grant of P1,000 per month in hazard pay to all duly appointed members of the barangay tanod brigades. Funding for the hazard pays shall initially be sourced from the budget of the Department of Interior and Local Government (DILG), while its subsequent implementation will be included in the budgets of local government units (LGUs).

Estrada, a former local chief executive, having served the mayoralty position of San Juan for 30 years before getting elected as senator in 2004, noted that while barangay tanods receive the same benefits as other barangay officials, they are given a measly honoraria or allowances amounting to at least P600 monthly.

“Barangay tanod brigades are community workers that need protection. This proposed measure acknowledges their significant contribution in maintaining peace and order in their locality by providing them with incentives while they continue to carry out official tasks,” Estrada, chairperson of the Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, said.

“As frontliners, they should receive adequate support and treatment from the government. There is no doubt that they deserve to be given such incentive,” he added.


Buwanang P1K hazard pay ng barangay tanod dapat isabatas – Jinggoy

IMINUMUNGKAHI ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng buwanang P1,000 hazard pay para sa mga barangay tanod bilang insentibo sa ginagampanan nilang tungkulin na pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa kanilang komunidad.

“Malaki ang ambag ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. Sila ang nagpupuyat sa gabi at frontliner, gaya ng nasaksihan natin noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Kakarampot na halaga ito kapalit ng kanilang serbisyo, sakripisyo at pagkakawanggawa,” sabi ni Estrada.

Sa kanyang inihain na Senate Bill No. 794, inirekomenda ni Estrada na bigyan ng buwanang P1,000 bilang hazard pay ang hinirang na mga miyembro ng barangay tanod brigades. Ang pondo ay una munang manggagaling sa budget ng Department of Interior and Local Government (DILG), habang ang mga susunod na implementasyon nito ay isasama na sa budget ng local government units (LGUs).

Bagamat tumatanggap ng mga benepisyo ang mga barangay tanod tulad ng iba pang opisyal ng barangay, batid ni Estrada, na isang dating lokal na punong ehekutibo at nagsilbi bilang mayor ng siyudad ng San Juan sa loob ng tatlong dekada bago nahalal na senador noong 2004, na binibigyan lamang ng hindi bababa sa P600 kada buwan na honoraria o allowance ang mga barangay tanod.

“Ang barangay tanod brigades ay mga manggagawa sa komunidad na nangangailangan din ng proteksyon. Ang panukalang ito ay kinikilala ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lokalidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo habang patuloy silang tumutupad sa kanilang mga opisyal na gawain,” ani Estrada, chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

“Bilang mga frontliner, dapat silang makatanggap ng sapat na suporta at pagkilala mula sa gobyerno. Karapat-dapat silang bigyan ng ganitong insentibo,” dagdag pa niya.