Senador, nanawagan sa mga kandidato na makiisa sa pagkakaroon ng maayos na halalan at Undas

(BRIGADA) Binigyang-diin ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang kahalagahan ng pagpapanatili ng peace and order sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections, maging sa Unda sa susunod na linggo.

Ayon kay Estrada, mahalagang matiyak na ang BSKE, All Saint’s Day, at All Soul’s Day ay mairaos nang may ligtas.

Dagdag pa niya, ang naturang mga events ay mahalaga sa national calendar at safety ng bawat Pilipino.

Dahil dito ay hinikayat ng mambabatas ang mga kandidato at mga taga-suporta ng mga ito na makiisa nang mapayapa sa democratic exercise, habang sinusunod ang mga batas kaugnay ang election regulations.

Sa huli, binigyang-diin din ng senador ang pagkakaroon ng maaayos na biyahe para sa publikong inaasahang magsisiuwian ng kani-kanilang probinsya.