Mahigpit na pagbabantay sa eleksyon, Undas importante – Jinggoy

(JOURNAL NEWS) IGINIIT ni Sen. Jose “Jinggoy” Ejercito Estrada ang kahalagahan ng mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections na halos kasabay ng Undas.

Sinabi ni Estrada na dapat gawing prayoridad ang peace and order sa mga komunidad para masigurong ligtas ang mga boboto gayundin ang mga kababayan natin na pupunta sa kani-kanilang mga probinsiya para sa halalan at dalawin ang mga namatay nilang kaanak.

“It is of utmost importance that we give priority to maintaining peace and order in our communities. These events are significant in our national calendar and should be observed with a sense of tranquility and safety for everyone.

The Barangay and Sangguniang Kabataan elections are a crucial part of our democratic process.

We urge all candidates and their supporters to peacefully participate in the democratic exercise while abiding by the rule of law and adhering to election regulations.

Any form of violence, intimidation or disruption will and should not be tolerated,” ani Estrada.

yon pa kay Estrada, matinding hamon sa mga awtoridad ang ganitong pagkakataon na magkasunod ang dalawang okasyon–eleksyon at Undas.

Ayon sa senador, posibleng hindi masyadong mabigyan ng pansin ang Undas sa Nob. 1 dahil sa eleksyon.

Inaasahan din ng senador na ang mga sakayan pa probinsiya ang bibigyan ng matinding pansin ng mga ahensiya ng gobyerno para sa kaligtasan ng mga uuwi sa iba’t-ibang lugar.

“Inaasahan din na natin na marami sa ating mga kababayan ang uuwi sa kani-kanilang probinsya kaya’t mahalaga na masiguro ang kanilang kaligtasan.

Nais nating bigyan ng kapanatagan at kumpiyansa ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay at maiwasan ang mga sakuna lalo na sa mga sasakyang pandagat,” sabi ng senador.