‘No Permit, No Exam’, suspensyon ng student loan payment, lusot sa Senado

(ABANTE) Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang dalawang education measures na sumusuporta laban sa “no permit, no exam” policy at suspension sa pagbabayad ng student loans sa panahon ng kalamidad at national emergencies.

Sa sesyon ng Senado, pinaboran ng 22 senador ang Senate Bill Nos. (SBN) 1359 (‘No Permit, No Exam’ Prohibition Act) at SBN 1864 (Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act).

Pangunahing launin ng SBN 1359 na ipagbawala ang ‘No Permit, No Exam’ rule at hindi payagan ang anumang polisiya na nagbabawala sa mga estudyante na kumuha ng educational assessments dahil sa hindi pa bayad ang kanilang matrikula at ibang bayarin sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Nakasaad din sa panukala na hindi dapat pilitin ang mga estudyante at kanilang magulang o legbal guardian na bayaran ang bahagi ng kanilang outstanding financial obligation.

Sa halip, ang mga paarlan ay hinihimok na ipatupad ang ibang interbensiyon tulad ng pang-hold sa pagbigay diploma o certificates, hindi payagang i-admit o makapag-neroll sa susunod na taon o semester, pagtanggi sa pag-isyu ng clearance at maglatag ng settlement sa utang sa pamamamigatan ng legal action.

Ang mga author ng SB 1359 ay sina SB 1359 was authored by Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri, Senate President Pro-Tempore Loren Legarda, Senate Majority Leader Joel Villanueva, and Senators Ramon Bong Revilla Jr., Ronald “Bato” M. Dela Rosa, Cynthia Villar, Francis “Chiz” Escudero, Win Gatchalian, Manuel “Lito” Lapid, Jinggoy Ejercito Estrada, at Christopher Lawrence T. Go.

Samantala, ang SBN 1864 ay magbibigay ng pahinga sa mga estudyante sa kolehiyo sa pagbabayd ng kanilang financial obligation sa paaralan sa panahon na mayroong deklarasyon ng national local state of calamity sa kanilang lugar.

Ang moratorium ay epektibo sa panahon ng state of calamity o emergency at 30 araw matapos ang pag-alis nito. Sa panahong ito, walang penalty o interest na kokolektahin sa deferred payments ng mga estudyante.

Ang mga may-akda ng SB 1864 ay sina Sens. Zubiri, Legarda, Villanueva, Lapid, Escudero, Revilla at Go. (Dindo Matining)