10 kasambahay pinarangalan sa Senado kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 taong Anibersaryo ng Batas Kasambahay

(POLICE FILES TONITE) Kasabay ng ika-10 taong pagpapatupad ng Republic Act 10361 o Batas Kasambahay sampumg natatanging kasambahay ang pinarangalan sa inisyatibo ng tanggapan ni senate committee on labor chairman Senator Jinggoy Estrada.

200 ang natanggap na nominasyon para sa natatanging kasambahay ng opisina ni Senator Estrada pero 10 lang ang napili.

Bawat isa ay nakatanggap ng P30 libong piso mula sa opisina ni Senator Estrada at dagdag na P10 libo mula kay Senator Cynthia Villar.

Meron din mga wish ang ilang kasambahan na tinupad ni Senator Estrada tulad ng cellphone

Dumalo sa awarding ng natatanging kasambahay si Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Kabilang sa mga pinarangalan sina: 1. Luzviminda C. Alvarado (ALBAY), 2. Jessa P. Bation (ILIGAN CITY, 3. Mercedita Gaballo (ZAMBOANGA CITY), 4. Grace Gentapa (DAVAO) , 5. Eda Longanilla (KORONADAL), 6. Meralyn Madria (CDO), 7. Virginita Magay (MAKATI CITY), 8. Irma Pamposa (PANGPANGA), 9. Emilla Rodriguez (SAN JUAN), 10. Aida Rosales (TALISAY CITY). (CESAR MORALES)