WATCH | Privilege Speech on Scram, Spam and Scam Text Messages

Binigyang diin ni Senador Jinggoy Estrada ang halaga ng pagsasabatas ng pagpaparehistro ng lahat ng subscriber identity module (SIM) cards sa bansa upang makatulong hindi lang para ma-solusyunan ang mga krimen sa bansa kundi pati na rin mapabuti ang cyber-defense capabilities ng gobyerno.

Nagpahayag ng pagkaalarma si Estrada sa kaniyang privilege speech sa paglaganap ng text scams at spam messages lalo na’t nakapambibiktima na ang mga scammers ng mga opisyal ng gobyerno kagaya niya.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), nakakuha umano sila ng impormasyon na nagmumula pa sa ibang bansa ang mga personalized text scam o unsolicited text messages na natatanggap ng mga Pinoy. Kasalukuyan na umano silang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga international counterparts sa usaping ito.

Nitong Pebrero 2022, nasa 98.8% ng mga Pilipinong nasa edad 16 hanggang 64 ang nagmamay-ari ng anumang uri ng mobile phone sa bansa, aniya.

“Sa pagtataya, nasa 110 milyon ang bilang nating mga Pilipino sa ngayon at kung ang 55 milyon ay mag tig-iisang mobile number at nakakatanggap ng tatlong spam text messages kada araw, aabot sa 165 milyon ang spam-scam text messages kada araw na hindi naba-block ng Globe at Smart telecommunications,” sabi ni Estrada.

Simula 2001, nanawagan na ang mga law enforcement agencies para imandato ang pagpaparehistro ng mga prepaid SIM cards bilang isang crime prevention strategy, ayon sa senador.

PRIVILEGE SPEECH

PRESS RELEASE

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

sixteen − twelve =