Pagdinig ng senado ukol sa 2022 Barangay at SK elections, ipinamamadali na ni Sen. Jinggoy Estrada

Nanawagan si Senator Jinggoy Ejercito Estrada sa kaniyang mga kasama na aksyunan na ang nakabinbin na panukalang batas sa pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections na gaganapin sa darating na Disyembre. Iminungkahi ni Estrada noong Martes sa plenary session, ika-9 ng Agosto, 2022, na talakayin na sa komiteng may sakop sa usaping ito ang panukalang batas na kapwa inihain nila ni Sen. Francis Escudero upang mabigyan ng sapat na panahon ang Commission on Elections (COMELEC) na mapaghandaan ito, sakaling matuloy ang halalan sa katapusan ng taon.

Official Photos from Senate PRIB