Sen. Estrada nagbigay ng relief assistance sa mga sinalanta ng lindol sa Abra

HABANG patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol sa Abra, nagtungo sa Bangued si Senador Jinggoy Estada nitong Huwebes, Agosto 4, para personal na pangunahan ang pagbibigay ng relief assistance at suriin ang pinsalang inabot ng lalawigan.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMC), umabot na sa 109,009 na pamilya o 421,728 indibidwal ang naapektuhan, samantalang 65,858 naman ang displaced persons.

Nakatakda rin na magsagawa si Estrada ng ocular inspection sa mga lugar na niyanig ng lindol at talakayin ito sa nakatakdang organizational meeting at briefing sa Miyerkoles ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation na kanyang pinamumunuan.
Mamimigay din ang senador ng nasa 150 na kaban ng bigas sa mga local government units ng mga lugar na naapektuhan ng pagyanig.

Plano rin ni Estrada na mag-ikot sa mga evacuation centers para alamin kung paano pang mapaghuhusayan ng national government ang relief at rehabilitation efforts.

Naghain kamakailan si Estrada ng Senate Bill No. 465 na naglalayong magtatag ng mga multipurpose hall o gym sa lahat ng munisipalidad at lungsod sa bansa upang magsilbing civic at evacuation centers ng mga pamilyang biktima ng kalamidad.

Nakatakda rin mag-ikot si Estrada sa mga natukoy na evacuation centers para alamin kung paano mapapalakas ng national government ang relief at rehabilitation efforts.

Inihain kamakailan ni Estrada ang Senate Bill No. 465 na naglalayong magtatag ng mga multipurpose hall o gym sa lahat ng munisipalidad at lungsod sa bansa upang magsilbing civic at evacuation center para sa mga pamilya sa panahon ng kalamidad at kalamidad.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga gumagamit gayundin ang pagiging matibay ng istraktura, iminungkahi ni Estrada sa kanyang SBN 465 na tukuyin ang lokasyon, structural capacity at amenities para sa mga gagamit ng nasabing multipurpose gyms.

Dapat din aniya na hindi ito masisira kahit na daanan ng hangin na may bilis na hindi bababa sa 155 milya bawat oras at seismic activity na hindi bababa sa 7.0 magnitude, katulad ng naranasan sa lindol sa Abra noong Hulyo 27. -Mylene Alfonso/Police Files Tonight