Taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng dalawang Philippine Army trainees na nasawi matapos umanong mag-collapse sa kanilang pagsasanay sa Capas, Tarlac.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on National Defense and Security, lubos nating pinahahalagahan ang sakripisyo ng bawat Pilipinong nagnanais maglingkod sa bayan. Ang kanilang pangarap na magsuot ng uniporme at magbigay-serbisyo sa ating bansa ay nararapat kilalanin nang may respeto at malasakit.
Nawa’y mabigyan ng agarang tulong at suporta ang mga naulilang pamilya. Ipinagdarasal natin ang walang hanggang kapayapaan para sa dalawang kabataang naghangad maglingkod sa bayan.


