We will exhaust all legal remedies. Sa kasalukuyan, inihahanda ng aking mga abogado ang mga kaukulang hakbang upang mapakita ang mga iregularidad sa naging proseso, gayundin ang mga ebidensyang hindi nabigyan ng sapat na timbang at konsiderasyon.
Kabilang dito ang Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) letter na nagsasaad na walang anumang record na ako ay nagpasok ng anumang insertion sa 2025 national budget. Isa itong mahalagang ebidensya na tahasang pinapabulaanan ang lahat ng alegasyon laban sa akin, subalit sadyang isinantabi.
Bukod dito, hindi ako nabigyan ng pagkakataong makita at mapag-aralan nang maayos ang mga resolusyon ng Department of Justice (DOJ) at Ombudsman upang makapaghain ng kaukulang paliwanag o Motion for Reconsideration bago isinampa ang kaso sa Sandiganbayan. Ang ganitong labis at hindi makatuwirang proseso ay may seryosong implikasyon sa aking right to due process.
Kapanasin-pansin din na, mula nang magpalit ng liderato sa Senado, naging mabilis ang pag-usad ng mga kasong kinasasangkutan ng ilang miyembro ng majority bloc.
Barely a week after the DOJ issued its Resolution in my case, agad nagsampa ng kaso ang Ombudsman nang hindi nagsasagawa ng sarili nitong masusi at independent fact-finding investigation. Sa ilalim ng umiiral na proseso, mahalagang bahagi ang fact-finding investigation bago magsampa ng kaso sa Sandiganbayan.
Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ng Ombudsman na magkakaroon ng “independent review and resolution on the merits of the case.” Batay sa mga pangyayari, malinaw na kailangang suriin kung naisakatuparan nga ang pahayag na ito.
As I have said before, if this is the price that I have to pay for standing by my principles and for what I believe in, then so be it. Ipagpapatuloy ko ang paghahanap ng katotohanan at ang pagtatanggol sa aking pangalan sa tamang forum at alinsunod sa batas.


