Statement on the commemoration of Labor Day

As we pay tribute to the more than 52 million-strong Filipino workforce—the backbone of our economy and the lifeblood of our communities—we must give due recognition to their tireless efforts and sacrifices, especially as they bear the brunt of the ongoing global oil supply crisis and the rising cost of living.

Pasan nila ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa araw-araw—mula sa transportasyon, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan—ngunit nananatili silang matatag at patuloy na lumalaban upang maitawid ang kanilang kabuhayan.

Higit pa sa pagbibigay-pugay at pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa bayan, kinakailangan ang agarang aksyon at konkretong hakbang mula sa pamahalaan. Dapat paigtingin ang pagpapatupad ng mga programang tulad ng subsidiya at iba pang tulong upang mapalakas ang kanilang kita at mapangalagaan ang kanilang kapakanan sa gitna ng kasalukuyang mga hamon.

Ang tunay na sukatan ng ating pag-unlad ay kung paano natin pinahahalagahan at pinangangalagaan ang ating mga manggagawa. Ngayong Araw ng Paggawa, muli nating pagtibayin ang ating paninindigan: ang kapakanan ng manggagawa ay kapakanan ng buong bayan.

Mabuhay ang manggagawang Filipino!