Estrada pushes lower income taxes, bigger take-home pay for workers

TO help Filipino workers cope with inflation and the rising costs of daily living, Senator Jinggoy Ejercito Estrada is proposing to lower individual income tax rates to increase the take-home pay of workers, particularly for low and middle-income earners.

“Kapag mas malaki ang natitira sa sahod, mas nakakagastos ang pamilya, mas umiikot ang pera sa ekonomiya, at mas gumaganda ang kalidad ng buhay. Kailangan natin iparamdam ang tunay na benepisyo ng tax reform sa ating mga manggagawa – ang mas malaking take-home pay,” Estrada said.

The seasoned lawmaker filed Senate Bill No. 1685 proposing to adjust tax brackets starting in 2027 by amending Section 24 of Republic Act No. 8424, otherwise known as the National Internal Revenue Code of 1997,

Estrada said his proposed measure aims to make workers feel the benefits of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

The TRAIN law increased the take-home pay of many workers by lowering income taxes. However, studies —such as one published in 2022 by the Al-Kindi Center for Research and Development — found out that the benefits have been reduced because the prices of goods and services, especially basic necessities, likewise increased.

Estrada said his proposed measure seeks to address the concerns raised by the studies by further increasing the take-home pay of workers.

Under the bill, individuals earning up to P500,000 annually will be exempt from paying income taxes, while those earning above this threshold will be taxed lower than the current rates.

Estrada said that if passed into law, the measure will directly benefit low- and middle-income earners, giving them more breathing room to cover their daily needs, save for emergencies, and invest in their children’s education.

“This is about giving our workers a fair chance at a better life. Lower taxes mean higher take-home pay, and higher take-home pay means stronger families and a stronger nation,” the senator stressed.


Mas mababang income tax rates, isinusulong ni Jinggoy

UPANG matulungan ang mga manggagawa na makayanan ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa araw-araw, isinusulong ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang panukalang batas na magpapababa sa individual income tax rates at magpapadagdag sa take-home pay lalo na ng mga nasa low at middle-income earners.

“Kapag mas malaki ang natitira sa sahod, mas nakakagastos ang pamilya, mas umiikot ang pera sa ekonomiya, at mas gumaganda ang kalidad ng buhay. Kailangan natin iparamdam ang tunay na benepisyo ng mga tax reform sa ating mga manggagawa na magdudulot ng mas malaking take-home pay para sa kanila,” ani Estrada.

Sa inihaing Senate Bill No. 1685 ng batikang mambabatas, itinutulak niya ang pag-amyenda sa Section 24 ng Republic Act No. 8424 o ang National Internal Revenue Code of 1997 para baguhin ang tax brackets na magsisimula sa 2027.

Ani Estrada, mas mararamdaman ng mga manggagawa ang benepisyo ng Tax Reform For Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kung babaguhin ang income tax brackets.

Binanggit ni Estrada ang pag-aaral na inilathala noong 2022 ng Al-Kindi Center for Research and Development na nagpapakita na bagama’t nadagdagan ang take-home pay ng maraming empleyado nang ibaba ang income tax sa ilalim ng TRAIN Law, hindi ito nararamdaman ng pamilya ng mga manggagawa dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo, lalo na ng mga basic commodities.

Sinabi ni Estrada na ang kanyang panukalang batas ay naglalayong tugunan ang nabanggit na alalahanin sa pamamagitan ng paniniguro ng mas mataas na take-home pay ng mga manggagawa.

Sa ilalim ng SBN 1685, ang mga indibidwal na kumikita ng hanggang P500,000 kada taon o mas mababa pa ay hindi na pagbabayarin ng income tax; habang ang mga kumikita ng higit sa nasabing halaga ay papatawan ng mas mababang buwis kumpara sa kasalukuyang rate.

Kapag naging ganap na batas na ito, direktang makikinabang ang mga low at middle-income earners, sabi niEstrada, dahil magkakaroon sila ng mas maluwag na kakayahang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, mag-ipon para sa mga emergencies, at mamuhunan sa edukasyon ng kanilang mga anak.

“Ang panukalang ito ay tungkol sa pagbibigay sa ating mga manggagawa ng patas na pagkakataon para sa mas maayos na buhay. Ang mas mababang buwis ay nangangahulugan ng mas malaking take-home pay, at ang mas malaking take-home pay ay katumbas ng mas matatag na pamilya at mas matibay na bansa,” diin ng senador.