
Ngayong Araw ng Kalayaan, nawa’y manatili tayong tapat sa mga prinsipyong ipinaglaban ng ating mga bayani—katotohanan, tapang, at kalayaan.
Sa panahong may mga pagtatangkang impluwensiyahan at panghimasukan ang mga institusyong dapat ay malaya at nagsasarili, gaya ng Senado, lalo nating dapat ipagtanggol ang demokrasya at ang kalayaan ng bawat sangay ng pamahalaan.
Sapagkat ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ipinagdiriwang—ito ay ipinagtatanggol. ![]()

