Jinggoy pushes as much as P10M for informants on tax evaders, smugglers

To boost gov’t revenue, curb corruption
Jinggoy pushes as much as P10M for informants on tax evaders, smugglers

TO strengthen the fight against tax fraudsters and smugglers, Senator Jinggoy Ejercito Estrada has filed Senate Bill No. 1011, a measure that offers bigger, fairer, and more rational rewards for informants who would expose large-scale violators of the country’s tax and customs laws.

“Our fight against tax evasion and smuggling depends heavily on information from the public. But people won’t come forward if the law itself limits their protection and their reward,” Estrada said.

Estrada said his proposed SBN 1011 seeks to update the decades-old informer’s reward system, which he noted has become ineffective due to outdated ceilings that discourage whistleblowers from reporting large-scale fraud.

The current law puts a P1 million ceiling in the reward money that informants may receive, regardless of the size of the tax fraud or smuggling case, a cap which Estrada said has long undermined efforts to encourage public cooperation.

Under the proposed SBN 1011, informants who report tax fraud may receive as much as P10 million or 10 percent of the recovered taxes, whichever is lower. For smuggling cases, whistleblowers may be granted up to P10 million or 20 percent of the value of confiscated goods, whichever is lower.

The bill also ensures the confidentiality of the informants’ identities, imposes penalties for unauthorized disclosure, and prohibits establishments from denying responsibility once information leads to revenue recovery or seizure of goods. Violators of confidentiality rules may face fines of up to P1 million and imprisonment of up to 15 years.

Only information that leads to actual recovery of revenue, surcharges, fees, penalties, or confiscated goods will qualify for a reward. Government officials, employees, and their close relatives are barred from claiming any reward.

“This bill encourages public cooperation in reporting tax cheats and smugglers. By rewarding informants fairly, we improve tax collection, enforcement, and administration in the BIR and BOC,” Estrada said.

“We want to empower citizens to help the government fight corruption and smuggling, while ensuring that their efforts are recognized and their identities protected,” he added.


Pabuyang aabot sa P10 milyon para sa informants ng tax evaders, smugglers, itinutulak ni Jinggoy

UPANG mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evaders at smugglers, isinusulong ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagpasa ng Senate Bill No. 1011 na nagtatakda ng mas mataas na pabuya para sa mga informant o tipster kontra sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis at custom duties.

“Malaking ambag ang impormasyon mula sa publiko para mapaigting ang kampanya laban sa mga sangkot sa tax evasion at smuggling. Pero hindi maeengganyo ang mga tao na magsiwalat ng mga nalalaman nila kung ang batas ay hindi sila kayang bigyan ng kaukulang proteksyon at pabuya,” ani Estrada.

Ang SBN 1011 ay naglalayong i-update ang dekada nang umiiral na informer’s reward system na ani Esatrada ay napaglipasan na ng panahon at depektibo na dahil imbes na makatulong ay nagiging dahilan pa upang panghinaan ng loob ang mga whistleblower na magsumbong sa mga lumalabag sa batas.

Sa kasalukuyang batas, aabot lamang hanggang P1 milyon ang maaaring matanggap ng isang informer, gaano pa man kalaki ang kasong may kinalaman sa tax fraud o smuggling. Ayon kay Estrada, matagal nang humahadlang ang limitasyong ito sa paghimok ng kooperasyon ng publiko.

Sa ilalim ng SBN 1011, ang mga informer na magsusumbong ng tax fraud ay maaaring makatanggap ng hanggang P10 milyon o 10 porsiyento ng nakolektang buwis, alinman ang mas mababa. Para naman sa mga kaso ng smuggling, maaaring igawad ang pabuya na hanggang P10 milyon o 20 porsiyento ng halaga ng nakumpiskang kontrabando, alinman ang mas mababa.

Tinitiyak din ng panukalang batas ang confidentiality ng pagkakakilanlan ng mga informer, nagtatakda ng mabigat na parusa sa sinumang maglalabas ng impormasyon nang walang pahintulot, at ipinagbabawal sa mga establisimyento ang pag-iwas sa pananagutan kapag nagresulta ang tip sa pagbawi ng kita o pagkumpiska ng mga smuggled goods. Ang mga lalabag sa confidentiality rules ay maaaring pagmumultahin ng hanggang P1 milyon at makulong ng hanggang 15 taon.

Tanging impormasyon na magreresulta sa aktwal na pagkolekta ng buwis, surcharge, fees, penalties, o nakumpiskang kontrabando ang maaaring bigyan ng pabuya. Hindi rin maaaring tumanggap ng anumang reward ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, pati ang kanilang malalapit na kamag-anak.

“Ang panukalang batas na ito ay nagtataguyod ng pakikipagtulungan ng publiko sa pagsugpo sa mga tax cheats at smugglers. Sa pamamagitan ng makatarungang pabuya, mas mapapabuti natin ang tax collection, enforcement, at administration sa BIR at BOC,” paliwanag ni Estrada.

“Layunin nating bigyan ng kapangyarihan ang mga mamamayan na tumulong sa pamahalaan laban sa korapsyon at smuggling, habang tinitiyak na ang kanilang kontribusyon ay kinikilala at ang kanilang identidad ay napoprotektahan,” dagdag pa niya.