Manifestation on the 80 vehicles owned by the Discayas, including 40 luxury units

MANIFESTATION
Senator Jinggoy Ejercito Estrada
September 2, 2025

Mr. President, earlier today the Bureau of Customs carried out a search warrant in the property of the Discayas in Pasig City and found only three of the 12 luxury vehicles in the premises.

Tatlo na lang ang nakita? Mr. President, ayon sa aking nakalap na impormasyon, nasa walumpu (80) na sasakyan ang pagmamay-ari ng mag-asawang Discaya at ng kanilang mga kumpanya. Mula sa walumpu (80), nasa mahigit kumulang na kwarenta (40) ang luxury vehicles.

Ipapakita ko po sa screen ang breakdown ng mga sasakyang ito:

From LTO records, there are 63 vehicles – luxury and mainstream brands. Kasama po dyan yung mga binanggit ni Sarah Discaya kahapon sa hearing na Rolls Royce Culinan, Bentley Bentayga, dalawang (2) GMC Yukon Denali, Cadillac Escalade, Mercedes Benz Wagon G63, Range Rover Evoque.

May tatlo (3) rin syang binanggit kahapon – yung Range Rover Defender, Cadillac Escalade at Mercedez Benz Maybach – na wala sa records ng LTO.

Sa pinag-uusapan na nag-viral na YouTube channel ni Julius Babao, mayroon pang walong (8) na luxury vehicles na wala sa tala ng LTO na nakapangalan sa mag-asawang Discaya.

Napag-alaman ng aking opisina na mayroon pang anim na mamahaling sasakyan na pagmamay-ari rin ng mag-asawang Discaya tulad ng Volvo XC-90, Mercedes Benz GLS, saka isang Maserati.

Nakakalulang yaman ito. Kung doon sa 28 luxury cars na inamin ni Sarah na pag-aari nila ay halos hindi ako makapaniwala, wala pa pala ‘yun sa kalahati ang kabuuang bilang ng kanilang mga sasakyan. This is outrageous!

I would just like this spread this into the records, Mr. President. Thank you.