SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada underscored the inclusion of Republic Act No. 12076, or the Ligtas Pinoy Centers Act, in the fifth State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand Marcos Jr., saying it affirms the urgent need to fully implement the landmark measure that mandates the establishment of safe, permanent, and disaster-resilient evacuation centers across the country.
Estrada, who sponsored and shepherded the measure’s approval in the Senate in September 2024, said the law was enacted to ensure that families displaced by disasters and public health emergencies have access to safe and dignified temporary shelters.
“Hindi natin kayang pigilan ang mga bagyo, lindol, at iba pang kalamidad, ngunit kaya nating tiyakin na may ligtas na masisilungan ang ating mga kababayan. Ito ang layunin ng batas na ito — ang gawing pamantayan ang pagkakaroon ng maaasahan, matitibay, at kumpletong evacuation centers sa buong bansa,” Estrada said.
The senator recalled that the measure was among the priority legislative initiatives identified under the Philippine Development Plan (PDP) 2023–2028, recognizing the country’s vulnerability to natural hazards and the need to strengthen disaster preparedness and response.
“In light of the human toll and devastation brought about by more frequent and more intense natural calamities caused by our rapidly changing climate, it is imperative that we have permanent evacuation centers which will not only offer sanctuary to affected families during disasters but also provide them shelter while they rebuild their homes,” Estrada said.
Under Republic Act No. 12076, permanent evacuation centers must be built in safe and accessible locations and designed to withstand super typhoons with wind speeds of up to 300 kilometers per hour, and earthquakes of at least magnitude 8.0.
The law likewise prescribes minimum standards for humane living conditions, including adequate sleeping quarters, sanitary facilities, kitchens and food preparation areas, health stations, women and child-friendly spaces, standby power supply, and communication facilities.
Estrada also pointed to another landmark disaster resilience measure enacted during the First Regular Session of the current 20th Congress – Republic Act No. 12287, or the Declaration of State of Imminent Disaster Act, of which he is the principal author and sponsor.
It marks a historic milestone for the Philippines as the first country in the region and possibly worldwide, to legislate anticipatory disaster action.
“These two landmark laws work hand in hand. One allows government to act before disaster strikes, while the other ensures that our people have safe and dignified shelters when they need to evacuate. Together, they represent a decisive shift toward a more proactive, comprehensive, and people-centered approach to disaster risk reduction and management,” Estrada said.
“These laws are not just about policies and systems; they are about protecting lives, safeguarding communities, and ensuring that our people are better prepared for whatever challenges nature may bring,” he added.
Agarang pagpapatayo ng disaster-resilient evacuation centers, itinutulak ni Jinggoy matapos mabanggit sa SONA ang Ligtas Pinoy Centers Act
SINUSUGAN ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagbanggit ng Republic Act No. 12076, o ang Ligtas Pinoy Centers Act, sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aniya’y nagpapatibay sa halaga ng agarang pagpapatupad ng batas na nag-uutos sa pagtatayo ng ligtas, permanente, at matitibay na evacuation centers sa buong bansa.
Ayon kay Estrada, na siyang nagsulong at naging sponsor ng panukala sa Senado hanggang maaprubahan ito noong Setyembre 2024, ang nasabing batas ay nagbibigay katiyakan sa kaligtasan ng mga pamilyang apektado ng kalamidad at mga public health emergency sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disenteng pansamantalang masisilungan.
“Hindi natin kayang pigilan ang mga bagyo, lindol, at iba pang kalamidad, ngunit kaya nating tiyakin na may ligtas na masisilungan ang ating mga kababayan. Ito ang layunin ng batas na ito — ang gawing pamantayan ang pagkakaroon ng maaasahan, matitibay, at kumpletong evacuation centers sa buong bansa,” sabi ni Estrada.
Aniya, kabilang ang nasabing panukala sa mga priority legislative initiatives sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP 2023-2028), bilang tugon sa mataas na vulnerability ng bansa sa mga kalamidad at paniniguro na handa ang pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna.
“Sa harap ng mas madalas at mas matitinding kalamidad na dulot ng mabilis na pagbabago ng klima, napakahalaga na magkaroon tayo ng permanenteng evacuation centers na hindi lamang magsisilbing kanlungan sa panahon ng sakuna, kundi magbibigay din ng masisilungan habang muling itinatayo ng mga pamilya ang kanilang mga tahanan,” dagdag ni Estrada.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12076, ang mga permanenteng evacuation center ay dapat itayo sa ligtas at madaling marating na mga lugar at mayroong disenyong makakayanan ang mga super typhoon na may lakas na hangin hanggang 300 kilometro kada oras, at mga lindol na may lakas na hindi bababa sa magnitude 8.0.
Itinatakda rin ng batas ang mga minimum na pamantayan upang matiyak ang makataong kondisyon sa loob ng mga evacuation center, kabilang ang sapat na tulugan, mga palikuran at paliguan, kusina at lugar para sa paghahanda ng pagkain, health station, women at child-friendly spaces, standby power supply, at mga pasilidad sa komunikasyon.
Dagdag pa rito, binigyang-diin din ni Estrada ang isa pang mahalagang batas – ang Republic Act No. 12287, o ang Declaration of State of Imminent Disaster Act, na siya ring pangunahing may-akda at sponsor ng panukala sa Senado. Ang nasabing batas ay naipasa noong First Regular Session ng kasalukuyang 20th Congress.
Ayon sa senador, ang batas ay maituturing na makasaysayang tagumpay para sa Pilipinas bilang kauna-unahang bansa sa rehiyon, at posibleng maging sa buong mundo, na nagsabatas ng anticipatory disaster action, o ang maagap na pagkilos bago pa man tumama ang isang inaasahang kalamidad.
“Magkaugnay at nagtutulungan ang dalawang makasaysayang batas na ito. Ang isa ay nagbibigay sa pamahalaan ng kapangyarihang kumilos bago pa man dumating ang kalamidad, habang ang isa naman ay nagsisiguro na ang ating mga kababayan ay may ligtas, matibay, at disenteng masisilungan sa oras na kailangan nilang lumikas. Sumasalamin ang mga ito sa isang mahalagang pagbabago tungo sa mas maagap, mas komprehensibo, at higit na makataong paraan ng pagbabawas ng panganib at pamamahala sa mga sakuna,” ani Estrada.
“Ang mga batas na ito ay hindi lamang tungkol sa mga polisiya at sistema. Higit sa lahat, layunin nilang mapangalagaan ang buhay ng ating mga kababayan, maprotektahan ang ating mga pamayanan, at matiyak na mas handa ang bawat Pilipino sa anumang hamong maaaring idulot ng kalikasan,” dagdag pa niya.

