Keynote Speech of Former Undersecretary of the National Authority for Child Care Janella Ejercito Estrada at the Induction of New Members and Newly Elected Officers of the Fraternal Order of Eagles – Calabarzon Laguna Elite Region

SPEECH OF FORMER UNDERSECRETARY OF THE NATIONAL AUTHORITY FOR CHILD CARE JANELLA EJERCITO ESTRADA AT THE INDUCTION OF NEW MEMBERS AND NEWLY ELECTED OFFICERS OF THE FRATERNAL ORDER OF EAGLES – CALABARZON LAGUNA ELITE REGION

Brotherhood amid challenges: Former National Authority for Child Care (NACC) Undersecretary Janella Ejercito Estrada expresses gratitude for the continued support extended to her family and Senator Jinggoy Ejercito Estrada as she graces the induction of new members and newly elected officers of the Fraternal Order of Eagles – CALABARZON Laguna Elite Region on June 20, 2026. Highlighting the role of civic organizations in fostering unity and public service, she urged the Eagles community to remain steadfast in its commitment to helping others amid the challenges facing the country today. 📸 Office of Senator Jinggoy Ejercito Estrada

Sa ating CALABARZON Laguna Elite Region Governor Reginald Nunag, sa mga opisyal at kasapi ng San Pablo City Elite Eagles Club, San Pablo Supreme Eagles Club, 4th District Laguna Luisiana Supreme Eagles Club, San Pablo Lady Eagles Club, at Unang Ermitanyo Elite Eagles Club, magandang umaga po sa inyong lahat.

 Una sa lahat, taos-puso akong nagpapasalamat sa pagkakataong makasama kayo sa mahalagang okasyong ito. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman ang mga mabigat na pagsubok na kinakaharap ng aming pamilya sa kasalukuyan. Kaya naman ang inyong patuloy na pagtitiwala, suporta, lalong lalo na kay Senador Jinggoy Ejercito Estrada, ay lubos naming pinahahalagahan. Maraming, maraming salamat po.

Mainit kong binabati ang mga bagong kasapi at mga bagong halal na opisyal ng Fraternal Order of Eagles – CALABARZON Laguna Elite Region.

Ang inyong pagtanggap sa pagiging miyembro at ang pag-ako sa mga tungkulin ng pamamuno ay hindi lamang isang karangalan. Ito ay isang responsibilidad na nangangailangan ng dedikasyon, malasakit, at kahandaang maglingkod sa kapwa.

Ngayong araw, hindi lamang tayo nagsasagawa ng isang simpleng induction ceremony. Tinatanggap natin ang mga bagong Agila na magiging katuwang sa pagpapatuloy ng mga adhikain ng organisasyon at sa pagpapalakas ng diwa ng pagkakapatiran na siyang pundasyon ng inyong samahan.

Sa panahon ngayon na madalas nating marinig ang ingay ng pulitika at pagkakahati-hati sa lipunan, napakahalaga ng mga organisasyong tulad ng Fraternal Order of Eagles. Kayo ay nagsisilbing halimbawa ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa komunidad. Ipinapakita ninyo na may mga mamamayang handang magtulungan at maglingkod nang walang hinihintay na kapalit.

Ang pagtatalaga ng inyong mga bagong opisyal at pagtanggap ng mga bagong miyembro ay patunay na nananatiling matatag at lumalago ang inyong samahan. Habang lumalawak ang inyong hanay, mas marami rin kayong mabibigyan ng tulong, inspirasyon, at pag-asa.

Sa mga bagong opisyal, nawa’y maging gabay ninyo ang integridad, pagpapapakumbaba, at tunay na paglilingkod sa inyong pamamuno. Ang pagiging lider ay hindi nasusukat sa titulo kundi sa kakayahang magsilbi at magbigay ng magandang halimbawa sa iba.

Sa mga bagong miyembro naman, maligayang pagdating sa isang organisasyong nakabatay sa pagkakaibigan, pagkakapatiran, at paglilingkod. Nawa’y maging aktibo kayong katuwang sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong makatutulong sa ating mga kababayan.

Anuman ang mga hamong kinakaharap ng ating bansa, umaasa akong patuloy ninyong palalaguin at palalakasin ang diwa ng brotherhood na siyang nagbibigay-buhay sa inyong organisasyon. Huwag sana kayong mapagod na maglingkod, magkaisa, at tumulong sa kapwa.

Together, let us continue to embody the true spirit of Eagleism and uphold the values that make this organization a force for good in our communities.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat. Isang malaking karangalan para sa aking na makasama kayo sa mahalagang araw na ito at maging saksi sa panibagong yugto ng inyong organisasyon.

Gaya ninyo, patuloy ko ring panghahawakan ang prinsipyong “Service Through Strong Brotherhood.”

Mabuhay ang Fraternal Order of Eagles! Mabuhay ang CALABARZON Laguna Elite Region! At mabuhay tayong lahat!

Maraming salamat po.