Jinggoy files bill granting 50% cut on OFW remittance fees, tax deductions to service providers

SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada has filed a measure seeking to slash the remittance fees for overseas Filipino workers (OFWs) by 50 percent, a landmark proposal aimed at protecting the workers’ hard-earned money — the lifeblood of millions of Filipino families — from excessive charges, unfair practices, and financial exploitation.

Under the proposal, banks and non-bank financial intermediaries that will grant the mandatory 50 percent discount on remittance fees may claim the amount as a tax deduction on their operational costs, creating what Estrada described as a “win-win solution” for both OFWs and service providers.

“This is a win-win situation for our OFWs and their families, as well as for banks and remittance centers,” Estrada said. “Kapalit ng bawat oras na nawawalay ang ating mga OFWs sa kanilang pamilya ay panahong hindi na maibabalik at mga sakripisyong hindi matutumbasan ng anumang dolyar. Kaya nararapat lamang na masiguro ng ating batas na napoprotektahan at napapakinabangan ang kanilang kita — kita na bumubuhay din sa ating ekonomiya.”

“The least we can do is make sure that every peso sent home reaches their loved ones with its full value intact, and not eaten up by excessive or unfair charges,” Estrada he , referring to his Senate Bill No. 1074, or the proposed “Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act.”

In filing the bill, Estrada cited data showing that OFW remittances reached a record-breaking $38.34 billion in 2024, a 3 percent increase from 2023, accounting for 8.3 percent of the country’s GDP and 7.4 percent of gross national income — underscoring the vital role that OFWs play in sustaining the Philippine economy.

The proposed measure also mandates full transparency from banks and financial intermediaries by requiring the clear posting of peso-equivalent exchange rates in remittance centers to prevent hidden charges. It strictly prohibits the misappropriation of funds, unauthorized deductions, excessive fees, and any increase in remittance charges without prior consultation with concerned government agencies.

Violators may face penalties of up to six years of imprisonment, fines ranging from P50,000 to P750,000, and additional sanctions under existing banking laws. Institutions that deny receipt of remittances may likewise be penalized.

Beyond fee regulation, the bill also pushes for stronger financial empowerment of OFWs and their families by directing the Department of Migrant Workers (DMW), in coordination with the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Finance (DOF), and other agencies, to provide free and mandatory financial literacy programs.

These programs will cover budgeting, savings, investments, loans, consumer protection, and safeguards against scams and online fraud. Financial education will be integrated into the Pre-Departure Orientation Seminars (PDOS), Post-Arrival Training Seminars (PATS), and online platforms accessible to OFW families nationwide.

Estrada stressed that the measure goes beyond economics and is ultimately about dignity and fairness.

“OFWs are not just remitters — they are breadwinners, parents, and pillars of our economy,” he said. “Protecting their money is protecting their families’ future.”


50% bawas sa OFW remittance fees, tax deductions para sa service providers, itinutulak ni Jinggoy

NAGHAIN si Senator Jinggoy Ejercito Estrada ng isang panukalang batas na naglalayong bawasan ng 50% ang remittance fees para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) — isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang kanilang pinaghirapang kita laban sa labis na singil, hindi patas na gawain, at pinansyal na pagsasamantala.

Bilang insentibo, maaaring mag-claim ng tax deduction sa operational costs ang mga bangko at remittance centers kapalit ng pagpapatupad ng 50% diskwento sa remittance fees.

“Ito ay isang win-win situation para sa ating mga OFW at kanilang pamilya, gayundin para sa mga service providers — mga bangko at non-bank financial intermediaries. Kapalit ng bawat oras na nawawalay ang ating OFWs sa kanilang pamilya ay panahong hindi na maibabalik at sakripisyong hindi matutumbasan ng halaga ng dolyar na kanilang kinikita malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Kaya nararapat lamang na masiguro ng ating mga batas na napapakinabangan at napoprotektahan ang kanilang kita — na siya ring bumubuhay sa ating ekonomiya,” ani Estrada.

“Ang pinakamaliit na magagawa natin ay tiyakin na bawat pisong ipinapadala nila sa kanilang mga mahal sa buhay ay makakarating nang buo ang halaga at hindi nauubos sa sobra-sobra o hindi makatarungang singil,” dagdag pa ng senador patungkol sa kanyang Senate Bill No. 1074, o ang panukalang “Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa paghahain ng SB 1074, binigyang-diin ni Estrada na umabot sa record-breaking na $38.34 bilyon ang OFW remittances noong 2024 — 3% na mas mataas kumpara noong 2023 — na katumbas ng 8.3% ng GDP at 7.4% ng gross national income ng bansa.

Itinatakda rin ng panukalang SBN 1074 ang ganap na transparency sa palitan ng salapi sa pamamagitan ng malinaw na pagpo-post ng katumbas na halaga sa piso sa mga remittance centers upang maiwasan ang mga nakatagong singil. Para sa proteksyon ng mga nagpapadala, mahigpit din na ipinagbabawal ang misappropriation ng pondo, hindi awtorisadong bawas, labis na singil, at anumang pagtaas ng bayarin nang walang paunang konsultasyon sa pamahalaan.

Ang mga lalabag ay maaaring parusahan ng hanggang anim (6) na taong pagkakakulong, multa mula P50,000 hanggang P750,000, at karagdagang parusa sa ilalim ng umiiral na mga batas sa pagbabangko.

Pinaparusahan din ng panukala ang mga institusyong tatanggi sa pagtanggap ng remittances.

Higit pa sa regulasyon sa bayarin, inaatasan din ng panukala ni Estrada ang pagpapatupad ng mandatory at libreng financial education para sa mga OFW at kanilang mga pamilya. Inoobliga nito ang Department of Migrant Workers (DMW), katuwang ang OWWA, BSP, DOF, at iba pang ahensya, na magbigay ng mga programang pang-literasiyang pinansyal.

Sasaklawin ng financial education ang pagbabadyet, pag-iimpok, pamumuhunan, pautang, proteksyon sa konsyumer, at pag-iwas sa mga scam at online fraud. Isasama ang mga programang ito sa Pre-Departure Orientation Seminars (PDOS), Post-Arrival Training Seminars (PATS), at sa mga online platform na madaling ma-access ng mga pamilya ng OFW sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Estrada na ang panukala ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya, kundi usapin din ng dignidad at katarungan.

“Ang mga OFW ay hindi lamang mga nagpapadala ng pera—sila ay mga haligi ng pamilya at ng ating ekonomiya. Ang pagprotekta sa kanilang pera ay pagprotekta sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya,” aniya.