SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada has filed a bill seeking to extend the estate tax amnesty, which ended last June 14, for another three years, or until June 14, 2028, to give Filipino families more time to settle long-standing inheritance issues without fear of penalties or overwhelming financial obligations.
“Maraming pamilyang Filipino ang dekada nang pinoproblema ang pagsasaayos ng papeles ng minana nilang lupa o ari-arian. Hindi dahil ayaw nila, kundi dahil sa kakulangan ng pangtustos, kahirapan, kulang na dokumento, away-pamilya, at kawalan ng access sa legal assistance,” Estrada said in filing Senate Bill No. 1488.
Proposed SBN 1488 seeks to amend the Tax Amnesty Act, or Republic Act No. 11213, as previously updated by RA 11569 and RA 11956, to extend the estate tax amnesty until June 14, 2028 to give heirs and beneficiaries additional time to formalize transfer of ownership of inherited properties.
Estrada noted that despite the enactment of RA 11213, which waived penalties and reduced the compliance burden for heirs who had long been unable to settle inherited estates, a large segment of Filipino families have been not availed of the amnesty.
“Many do not have the means to hire counsel, while others lack information and experience difficulty navigating legal procedures,” he said.
By extending the availment period to 2028, Estrada hopes to give families a real chance to formalize property ownership, unlock the economic value of idle lands, and finally resolve long-standing estate issues.
“This measure continues the true spirit of the estate tax amnesty — helping families who have been unable to settle their obligations not out of defiance, but out of incapacity. Through this extension, we empower them to move forward, use their inherited property productively, and contribute to national development,” the seasoned lawmaker said.
Under SB 1488, heirs may either manually or electronically file their Estate Tax Amnesty Return at any authorized agent bank, Revenue District Office, Revenue Collection Officer, or authorized tax software provider.
Estrada expressed confidence that extending the amnesty will not only promote social justice and intergenerational equity, but also boost local economies by turning dormant estate assets into productive properties.
Pagpapalawig ng estate tax amnesty hanggang Hunyo 2028, itinutulak ni Jinggoy
NAGHAIN ng panukalang batas si Senador Jinggoy Ejercito Estrada para palawigin pa ng tatlong taon, o hanggang Hunyo 14, 2028, ang estate tax amnesty na napaso na noong Hunyo 14.
Ang hakbang na ito ay para mabigyan ang mga pamilyang Filipino ng mas mahabang panahon na ayusin ang usapin sa kanilang minanang ari-arian nang walang pangambang pagmumultahin sila ng malaking halaga.
“Maraming pamilyang Pilipino ang dekada nang pinoproblema ang pagsasaayos ng papeles ng minana nilang lupa o ari-arian. Hindi dahil ayaw nila, kundi dahil sa kakulangan ng pangtustos, kahirapan, kulang na dokumento, away-pamilya, at kawalan ng access sa legal assistance,” paliwanag ni Estrada sa kanyang inihaing Senate Bill No. 1488.

Ipinapanukala ni Estrada ang pag-amyenda sa Tax Amnesty Act o Republic Act No. 11213, na na-update na ng RA 11569 at RA 11956, upang palawigin ang estate tax amnesty hanggang Hunyo 14, 2028 at mabigyan ang mga tagapagmana at benepisyaryo ng karagdagang panahon upang maipatitulo at maayos ang pagmamay-ari ng kanilang namana.
Sa kabila ng pagpasa ng RA 11213—na nagtanggal ng mga multa at nagpagaan ng requirements para sa mga tagapagmanang matagal nang hindi naaasikaso ang kanilang estate—marami pa ring pamilyang Filipino ang hindi nakakakuha ng benepisyo ng amnestiya sa pagbabayad ng estate tax.
“Marami ang walang kakayahang kumuha ng abogado, habang ang iba naman ay kulang sa impormasyon at hirap na maunawaan ang legal na proseso,” ani Estrada.
Sa pagpapalawig ng availment period hanggang 2028, umaasa si Estrada na magkakaroon ang mga pamilya ng pagkakataong maayos ang pagmamay-ari, mapakinabangan ang mga nakatiwangwang na lupain, at tuluyang maresolba ang matagal nang suliranin sa estate.
“Pinapanatili ng panukalang ito ang tunay na diwa ng estate tax amnesty—ang tulungan ang mga pamilyang hindi nakapag-ayos ng kanilang obligasyon hindi dahil sa pagwawalang-bahala, kundi dahil sa kakulangan ng kakayahan. Sa pagpapalawig na ito, binibigyan natin sila ng pagkakataong makausad, magamit nang produktibo ang kanilang minana, at makatulong sa pag-unlad ng bansa,” sabi pa ng batikang senador.
Sa ilalim ng SB 1488, maaaring maghain ng Estate Tax Amnesty Return—manual man o electronic—sa alinmang authorized agent bank, Revenue District Office, Revenue Collection Officer, o authorized tax software provider.
Kumpiyansa si Estrada na ang pagpapalawig ng amnestiya ay hindi lamang magsusulong ng social justice at intergenerational equity, kundi magpapasigla rin ng lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapakinabang sa mga nakatiwangwang na ari-arian.


