Jinggoy pushes expanded 4Ps, hike in cash grants to make program more responsive to needs of Filipino families

SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada has proposed the expansion of Republic Act No. 11310, or the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), citing inflation that has diminished the value of cash grants and various issues in the implementation of the program.

Estrada said his proposal will ensure that the 4Ps program would remain responsive to the evolving needs of its intended beneficiaries, and effectively break the cycle of poverty.

“Millions of Filipinos have already benefited from the 4Ps, but the cash grants and mechanisms that sustain the program have not kept up with inflation and present realities. Through this bill, we want to make sure that the program continues to empower — not just assist — our most vulnerable sectors,” Estrada said, referring to Senate Bill No. 1487, or his proposed Expanded Pantawid Pamilyang Pilipino Program (E4Ps) Act.

To strengthen the government’s flagship anti-poverty program, Estrada’s SB 1487 seeks to address gaps in the program’s coverage, cash grant values, and support systems to make the 4Ps more inclusive and comprehensive.

A 2024 study by the Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) revealed that the real value of 4Ps cash grants has declined by about 30 percent since 2019.

Estrada’s bill proposes a P200 to P250 increase in grants; introduces new conditional cash grant provisions; and mandates an annual review and adjustment based on inflation, among other reforms.

SB 1487 also includes several major reforms such as extending the maximum coverage for household beneficiaries from seven to 10 years for those who remain poor after the regular program period; raising the maximum age of eligible child-beneficiaries from 18 to 22 years old; including households with undernourished children aged 0 to 6 years-old; and prioritizing “food poor” households in the selection of beneficiaries.

Recognizing that poverty reduction must involve not only children but also parents and adult members, Estrada’s proposed E4Ps Act likewise introduces adult education as a new condition for continued entitlement to the program.

Adult beneficiaries may pursue Alternative Learning System (ALS) classes, entrepreneurship or skills training through TESDA, with meal and transportation support provided under a new community mobilization grant.

“Education should not stop with our children,” Estrada said. “By empowering parents through learning and skills training, we give them the tools to sustain their families’ progress,” he also said.

The measure also establishes a stronger grievance redress system and an after-care program for families graduating from 4Ps to ensure continued livelihood and employment assistance.

“We must keep 4Ps relevant, responsive, and empowering,” Estrada stressed. “By improving the system and expanding opportunities, we give every Filipino family a fair chance at a better future.”


Pinalawig na 4Ps, mas mataas na ayuda para sa mahihirap pamilyang Pilipino, isinusulong sa Senado ni Jinggoy

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagpapalawig sa Republic Act No. 11310, o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na patuloy na nagpapababa sa halaga ng ayuda at iba pang mga usapin na kinakaharap sa pagpapatupad ng programa.

Sinabi ni Estrada na nais ng kanyang panukalang batas na tiyakin na patuloy na makatutugon ang 4Ps sa pangangailangan ng mga benipisyaryo nito at matuldukan ang kanilang kahirapan.

“Ilang milyong Pilipino ang nakikinabang sa 4Ps. Gayunpaman, ang kasalukuyang halaga ng mga cash grants at mga mekanismo sa pagpapatupad ng programa ay hindi na naayon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sa ilalim ng panukalang ito, layon nating paigtingin ang programa upang higit na makatulong pa sa ang ating mga pinaka-nangangailangang sektor,” paliwanag ni Estrada hinggil sa kanyang inihaing Senate Bill No. 1487, o ang panukalang Expanded Pantawid Pamilyang Pilipino Program (E4Ps) Act.

Upang higit na maging epektibo ang tinaguriang flagship anti-poverty program ng gobyerno at gawin itong mas inklusibo at komprehensibo, nais ni Estrada na punuan ang mga kakulangan ng 4Ps ukol sa saklaw na sektor, halaga ng cash grants, at mga sistemang sumusuporta rito.

Ayon sa pag-aaral ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) noong 2024, napag-alaman na bumaba ng humigit-kumulang 30 porsiyento ang tunay na halaga ng cash grants ng 4Ps mula 2019.

Dahil dito, iminumungkahi ni Estrada ang dagdag na P200 hanggang P250 sa mga cash grant, mga bagong kondisyon at probisyon sa pagbibigay ng tulong pinansyal, at inirekomenda ang taunang pagsusuri at pagsasaayos batay sa inflation, bukod sa iba pang reporma.

Nakasaad din sa SB 1487 ang ilang pangunahing pagbabago gaya ng pagpapalawig ng saklaw ng mga pamilyang benepisyaryo mula pitong (7) taon tungo sa sampung (10) taon para sa mga nananatiling mahirap matapos ang regular na panahon ng programa; pagtaas ng edad ng mga batang maaaring maging benepisyaryo mula 18 tungo sa 22 taong gulang; pagsasama ng mga pamilyang may mga batang kulang sa nutrisyon na edad 0 hanggang 6 na taon; at pagbibigay-prayoridad sa mga pamilyang “food poor” bilang benepisyaryo ng programa.

Dahil ang pagtugon sa problema ng kahirapan ay hindi lamang isyu ng mga kabataan kundi pati ng mga magulang at mga nakatatandang kasapi ng pamilya, nais ng senador gawing karagdagang kondisyon ang adult education upang magpatuloy ang isang pamilya sa pagtanggap ng tulong mula sa programa.

Aniya, maaaring mag-enroll ang mga magulang sa Alternative Learning System (ALS) classes, o makilahok sa mga training na ibinibigay ng TESDA ukol sa pagnenegosyo, kung saan sila ay makatatanggap ng meal at transportation allowance sa ilalim ng bagong community mobilization grant.

“Hindi dapat matapos sa mga anak natin ang edukasyon,” giit ni Estrada. “Sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman at kasanayan sa mga magulang, nabibigyan natin sila ng kakayahang maitaguyod ang patuloy na pag-unlad ng kanilang pamilya.”

Nakasaad din sa panukala ang mas matatag na grievance redress system at after-care program para sa mga pamilyang magtatapos sa 4Ps upang matiyak ang tuloy-tuloy na tulong pangkabuhayan at oportunidad sa trabaho.

“Dapat panatilihin nating makabuluhan, tumutugon, at nagbibigay-lakas ang 4Ps,” diin ni Estrada. “Sa pamamagitan ng pagpapabuti ng sistema at pagpapalawak ng mga oportunidad, nabibigyan natin ang bawat pamilyang Pilipino ng patas na pagkakataon tungo sa mas maunlad na kinabukasan.