Jinggoy calls for Senate probe into state of bridges nationwide following Cagayan bridge collapse

Senator Jinggoy Ejercito Estrada has called for a comprehensive Senate inquiry into the condition and structural integrity of bridges nationwide following the collapse of the 50-year-old Piggatan Bridge in Alcala, Cagayan – the second bridge collapse in the Cagayan Valley region in just eight months.

Senate Resolution No. 153, filed by Estrada in the exercise of the upper chamber’s oversight functions, urges the appropriate committee to conduct the inquiry, underscoring the need to review existing bridge designs and maintenance systems, assess the economic and tourism impacts of such incidents, and recommend measures to safeguard public welfare and ensure the integrity of the country’s infrastructure.

“Hihintayin pa ba natin na may bumagsak na naman na tulay bago tayo kumilos? We must act swiftly to identify vulnerable structures, especially in agricultural regions. Hindi lang kalsada ang napuputol tuwing may ganitong insidente ng pagbagsak ng tulay — apektado rin ang transportasyon, kaligtasan, at kabuhayan ng ating mga kababayan,” Estrada said.

The Piggatan Bridge, a 74.7-meter steel structure built in 1974, collapsed on October 5, 2025, after reportedly being weighed down by three heavily loaded trucks carrying palay and corn. The bridge, certified by the Department of Public Works and Highways (DPWH) as being in “good overall condition” just a year earlier, served as a vital link along the Maharlika Highway, connecting Alcala town to the rest of Cagayan province and Tuguegarao City.

The incident, which injured seven people, has paralyzed travel and trade in and out of Alcala, forcing trucks transporting agricultural goods to take longer and costlier routes. It follows the earlier collapse of the Cabagan–Santa Maria Bridge in neighboring Isabela province, just weeks after it opened to the public.

Estrada stressed that the recurrence of such incidents raises serious questions about the durability, inspection protocols, and design standards of public infrastructure.

“We must ensure that our bridges—especially those in agricultural and rural areas—are structurally sound and capable of withstanding present-day demands. The safety of our people and the stability of our economy depend on it,” he added.

Through the proposed inquiry, the Senate aims to identify aging and high-risk bridges that may require retrofitting or replacement, strengthen infrastructure audit systems, and reinforce government accountability in maintaining safe, reliable public structures.

Estrada urged the DPWH and other concerned agencies to prioritize the retrofitting and replacement of aging bridges, and to ensure that new constructions meet modern standards capable of handling increased traffic and heavier loads.

“The collapse of the Piggatan Bridge is a wake-up call. We owe it to the Filipino people to ensure that our roads and bridges are safe, efficient, and built to last,” said Estrada.


Kondisyon ng mga tulay sa bansa, nais isailalim ni Jinggoy sa komprehensibong imbestigasyon ng Senado

NAGHAIN si Senador Jinggoy Ejercito Estrada ng isang resolusyon upang magsagawa ang Senado ng komprehensibong imbestigasyon hinggil sa kondisyon at estruktural na integridad ng mga tulay sa buong bansa.

Kaugnay ito ng kamakailang pagguho ng Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan—walong buwan lamang matapos bumagsak ang isa pang tulay sa rehiyon ng Cagayan Valley.

Sa Senate Resolution No. 153 na inihain ni Estrada bilang bahagi ng oversight functions ng Mataas na Kapulungan, hinihikayat niya ang kaukulang komite na magsagawa ng imbestigasyon upang suriin ang kasalukuyang mga disenyo at sistema ng pagpapanatili ng mga tulay, gayundin ang epekto ng mga ganitong insidente sa ekonomiya at turismo.

Kaakibat ng imbestigasyong ito ang pagrekomenda ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kapakanan ng publiko at matiyak ang tibay at kaligtasan ng mga imprastraktura ng bansa.

“Hihintayin pa ba natin na may bumagsak na naman na tulay bago tayo kumilos? Kailangan nating kumilos agad upang matukoy ang mga tulay na mahina o delikado, lalo na sa mga rehiyong agrikultural. Hindi lang kalsada ang napuputol tuwing may ganitong insidente ng pagbagsak ng tulay — apektado rin ang transportasyon, kaligtasan, at kabuhayan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Estrada.

Ang Piggatan Bridge, isang 74.7 metrong tulay na yari sa bakal at itinayo noong 1974, ay gumuho noong Oktubre 5, 2025, matapos umanong mabigatan sa tatlong trak na kargado ng palay at mais. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), idineklarang “maayos ang kalagayan” ng tulay sa isinagawang inspeksyon noong nakaraang taon.

Itinuturing na mahalagang daanan sa Maharlika Highway, ang tulay ay nag-uugnay sa bayan ng Alcala sa iba pang bahagi ng Cagayan at sa Lungsod ng Tuguegarao.

Dahil sa insidente, nasugatan ang pitong katao at naparalisa ang biyahe at kalakalan papasok at palabas ng Alcala. Napilitan ang mga trak na nagdadala ng produktong agrikultural na dumaan sa mas mahaba at magastos na ruta. Nangyari ito matapos bumagsak ang Cabagan–Santa Maria Bridge sa karatig na lalawigan ng Isabela, ilang linggo lamang matapos itong buksan sa publiko.

Binigyang-diin ni Estrada na ang sunod-sunod na ganitong mga pangyayari ay nagbubukas ng seryosong katanungan tungkol sa tibay, inspection protocols, at mga pamantayan sa disenyo ng mga pampublikong imprastraktura.

“Dapat nating tiyakin na ang ating mga tulay — lalo na yaong nasa mga lugar na agrikultural at rural — ay matatag at kayang harapin ang kasalukuyang pangangailangan. Nakasalalay dito ang kaligtasan ng ating mga mamamayan at katatagan ng ating ekonomiya,” dagdag pa niya.

Sa pamamagitan ng iminungkahing imbestigasyon, layon ng Senado na tukuyin ang mga luma at mataas ang panganib na tulay na dapat i-retrofitting o palitan, paigtingin ang sistema ng infrastructure audit, at palakasin ang pananagutan ng pamahalaan sa pagpapanatili ng ligtas at maaasahang mga pampublikong estruktura.

Hinimok din ni Estrada ang DPWH at iba pang kaukulang ahensya na bigyang-prayoridad ang retrofitting at pagpapalit ng mga lumang tulay, at tiyaking ang mga bagong itinatayong tulay ay sumusunod sa makabagong pamantayan upang kayanin ang mas mataas na volume ng trapiko at mas mabibigat na kargamento.

“Dapat magsilbi nang wake-up call ang pagguho ng Piggatan Bridge. Utang natin sa sambayanang Filipino na tiyakin na ang ating mga kalsada at tulay ay ligtas, mahusay ang pagkakagawa at itinayo para magtagal sa mahabang panahon,” aniya.