(BANDERA) DUMALO sa pagdinig ng Senado si Sandro Muhlach kahapon hinggil sa isinampa niyang reklamo laban sa dalawang independent contractors at writer ng GMA 7.
Sa pamamagitan ng zoom, humarap ang Sparkle artist at panganay na anak ni Niño Muhlach, sa mga senador upang sagutin ang mga tanong patungkol sa naranasan umanong panghahalay.
Ito’y bahagi pa rin ng isinasagawang hearing ng Senate committee on public information and mass media na siyang nag-iimbestiga sa mga kaso ng sexual harassment sa entertainment industry.
Dito, muling nanindigan ang binata sa kanyang mga akusasyon laban kina Jojo Nones at Richard Cruz at nagsasabi lamang siya ng katotohanan at pawang katotohanan lamang.