Jinggoy wants more teeth to anti-hospital detention law

THE continuing malpractice of hospitals which “detain” patients – dead or alive – due to unpaid medical bills has prompted Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada to push for a measure that would give the anti-hospital arrest law more teeth.

“Despite the existence of the law for 17 years now, the same illegal practice persists and continues to plague our health care system. My office has received numerous complaints from hapless families victimized by unscrupulous medical institutions,” Estrada said in filing Senate Bill No. 2724.

“No person shall be imprisoned for debt. That is a basic constitutional right. Anong batas ang pinanghahawakan ng ganitong walang awang mga ospital sa mga mahihirap?” Estrada said in underscoring that Republic Act No. 9439 particularly ensures that patients are not made hostage by hospitals for financial reasons.

In seeking to amend RA 9439, or “An Act Prohibiting the Detention of Patients in Hospitals and Medical Clinics on Grounds of Nonpayment of Hospital Bills or Medical Expenses,” Estrada proposed to prescribe stiffer penalties against violators.

From the current P20,000 to P50,000 fine, the Senate leader proposed a P200,000 fine, imprisonment of up to three years, or both for hospital officers or employees who fail to comply with the law.

Meanwhile, directors or managers of medical facilities could face a six-year jail term and a maximum fine of P2 million for implementing policies of hospital detention, according to Estrada.

Among the cases brought to the attention of the Senate leader is that of a patient in a medical center in Dasmariñas City in Cavite who was made to pay at least 70 percent of his outstanding bill before he was discharged from confinement.

Another patient was asked to settle his/her bill amounting to P650,000 for a three-week hospitalization for cardiac arrest before he/she was allowed to go home.

“Mas lalo pa nilang nilulubog sa utang ang pamilya ng pasyente dahil sa lumulobong bayarin dahil sa bawat araw na dumadaan ay patuloy silang nagbabayad sa kwarto samantalang pwede na namang sa bahay na nagpapagaling ‘yung pasyente,” he said.

To strengthen the law, Estrada called for the inclusion of those due for discharge from being barred from leaving the hospital due to unsettled bills.

Estrada also inserted a provision on the illegality of withholding documents pertinent to the examination, diagnosis, medication, care, and hospitalization of the patient.

Death certificates and other documents required for burial and other purposes must be issued within 48 hours, he said.

If the patient is an active member of either the Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), or the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), Estrada said that a guarantee letter from any of these agencies may be presented along with a promissory note as an alternative to a mortgage or guarantee by a co-maker.

He added that if the patient is indigent, a guarantee letter from the Department of Social Welfare and Development (DSWD) may be submitted.

Estrada proposed amending the policy to include patients admitted to private rooms due to unavailability of non-private rooms, urgency of the case, or if deemed necessary by hospital medical professionals for intensive care, isolation, quarantine, or other compelling circumstances.


Jinggoy: Anti-hospital detention law, dapat dagdagan ng ngipin

DAHIL patuloy na nangyayari ang pagpigil ng ilang ospital sa paglabas ng mga pasyente, buhay man o patay na, bunsod ng mga nakabinbin na bayarin, isinusulong ngayon ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang panukalang magbibigay ng karagdagang ngipin sa batas na nagbabawal sa hospital detention.

“Kahit na mayroon nang umiiral na batas sa loob ng 17 na taon, nagpapatuloy pa rin ang iligal na gawain na ito na mistulang salot sa ating health care system. Sa katunayan, maraming reklamo ang nakarating sa aking opisina mula sa mga kaawa-awang pamilyang nabiktima ng mga walang kunsiyensang ospital,” sabi ni Estrada sa kanyang inihaing Senate Bill No. 2724.

“Walang taong dapat makulong dahil sa utang. ‘Yan ay basic constitutional right. Anong batas ang pinanghahawakan ng ganitong walang awang mga ospital sa mga mahihirap?” ani Estrada na ipinunto na partikular na tinitiyak ng Republic Act No. 9439 na ang mga pasyente ay hindi dapat ginagawang hostage ng mga ospital kung hindi sila makapagbayad ng mga bayarin.

Sa kanyang panukalang amyenda sa RA 9439, o ang “An Act Prohibiting the Detention of Patients in Hospitals and Medical Clinics on Grounds of Nonpayment of Hospital Bills or Medical Expenses,” iminumungkahi ni Estrada ang pagpapataw ng mas mataas na multa at parusa laban sa mga ospital na lalabag sa batas.

Mula sa kasalukuyang multa na P20,000 hanggang P50,000, iminungkahi ng senador na itaas ito at gawin nang P200,000 o pagkakakulong ng hanggang tatlong taon o parehong ipataw sa mga opisyal o empleyado ng ospital na hindi sumusunod sa batas.

Maaari namang maharap sa anim na taong pagkakakulong na may kasamang maximum na multa na P2 milyon ang mga director o tagapamahala ng mga ospital o kahalintulad na pasilidad na nagpapatupad ng patakaran gaya ng hospital detention, ayon kay Estrada.

Isa sa mga idinulog sa senador ay ang kaso ng isang pasyente sa isang medical center sa Dasmariñas City sa Cavite na pinagbayad muna umano ng hindi bababa sa 70 porsiyento ng kanyang natitirang bayarin bago siya pinalabas mula sa pagkaka-confine.

May isa ring pasyente na aniya ay inobliga na bayaran ang kabuuang P650,000 para sa tatlong linggong pagkakaospital dahil sa cardiac arrest bago siya pinayagang umuwi.

“Mas lalo pa nilang nilulubog sa utang ang pamilya ng pasyente dahil sa lumulobong bayarin dahil sa bawat araw na dumadaan ay patuloy silang nagbabayad sa kwarto samantalang pwede na namang sa bahay na nagpapagaling ‘yung pasyente,” sabi ng senador.

Para paigtingin ang batas, nanawagan si Estrada na ang mga due for discharge na pasyente o yung pinapayagan nang lumabas sa pagkakaospital ay maging saklaw ng umiiral na RA 9439.

Naglagay din si Estrada ng probisyon na ipagbawal ang pagkakait ng mga dokumentong may kinalaman sa pagsusuri, diagnosis, gamot, pangangalaga at pagpapaospital ng pasyente.

Bukod pa dito, sinabi niya na ang mga death certificate at iba pang dokumento na kailangan para sa libing ay dapat ibigay sa loob ng 48 na oras.

Kung ang pasyente ay aktibong miyembro ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), o Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), sinabi ni Estrada na maaaring magpakita ng guarantee letter mula sa alinman sa mga ahensiyang ito kasama ang promissory note bilang alternatibo sa paggarantiya sa pagbayad sa utang.

Kung indigent ang pasyente, maaaring magsumite ng guarantee letter mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inirekomenda rin ni Estrada na isama sa patakaran ang mga pasyenteng naka-admit sa mga pribadong kwarto dahil sa kakulangan ng mga non-private rooms o dahil sa matinding pangangailangan ng maysakit o kung inirekomenda ng mga medical professionals na malagay sila sa intensive care, isolation, quarantine, o iba pang kahalintulad na sitwasyon.