Statement on Independence Day celebration

Bilang isang bansa na may malalim na kasaysayan sa pakikipaglaban para sa ating kasarinlan, nararapat nating bigyan ng bagong kahulugan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Sa paggunita ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ipakita natin sa buong mundo ang ating pagkakaisa at determinasyon sa pagtatanggol ng ating karapatan, mga likas na yaman, at teritoryong ating nasasakupan.

Ang pagmamalasakit sa isa’t isa ay ang pinakamalakas nating sandata laban sa mga dayuhang pwersa na nagnanais baguhin ang ating teritoryo at pahinain ang ating soberanya.

Ang tunay na diwa ng kalayaan ay ang pagiging handa na ipaglaban ito sa tuwing hinahamon tayo.