Pagkanta ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn hindi iligal - Jinggoy

(ABANTE) Inihayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi illegal o irregular ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga government agency na isama sa flag-raising ceremony ang Bagong Pilipinas hymn at Panunumpa sa Watawat.

Sinabi ni Estrada na layunin lamang nito na isulong ang mabuting pamamahala at progresibong liderato sa lahat ng government level.

Ayon kay Estrada, walang pinagkaiba ito sa pagkanta ng Senate, school at university hymns na isang paraan para ipaalala ang pagiging makabayan at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Kahapon hindi naman kasama sa kinanta sa flag-raising ceremony sa Senado ang Bagong Pilipinas hymn dahil hindi naman saklaw ng MC 20 ang lehislatura. (Reymund Tinaza)