Despite the seriousness of the issues that former PDEA agent Jonathan Morales is facing before the Senate — particularly his lying under oath before the Committee on Public Order and Dangerous Drugs — I have decided to also give my consent to releasing him from Senate detention because of humanitarian considerations.
Binigyan ko ng konsiderasyon ang kanyang kalagayan, dala na rin ng kanyang edad, at ang pangangailangan na makasama ang kanyang pamilya kaya napagpasyahan ko na payagan na siyang makauwi.
Magsilbi sana itong aral sa mga haharap na testigo na hindi kailanman katanggap-tanggap at hindi namin hahayaan ang pagsisinungaling sa mga pagdinig sa Senado.