Manifestation on 3rd Reading Approval of Eddie Garcia Act (SBN-2505)

Mr. President, our country is replete with creative people who produce world-class and highly compelling materials for the local and global audiences.

This measure is the Senate’s recognition of the immense talent, dedication, and contribution not just of Filipino artists, but also those behind the camera who put their heart and soul to come up with material for the movie and television industry. 

Sila ‘yung mga walang mukha, at madalas, sa end credits lang natin makikita ang kanilang mga pangalan at katungkulan. 

A product of your Senate’s commitment to put forward the welfare of workers, this is our meaningful acknowledgment to them whose work are often overshadowed by the main content and star power of the main cast. We simply owe it to them.

Mr.  President, this effort of helping movie and television workers can be traced to my father. In 1974, the then movie actor and San Juan Mayor Joseph “Erap” Estrada, as president of the Philippine Motion Picture Producers Association, commissioned legal luminaries and industry leaders to establish Mowelfund, or the Movie Workers Welfare Foundation, primarily to provide assistance to industry workers, especially the underprivileged.

Naririyan ‘yung nanghihingi ang mga pobreng manggagawa ng panggastos kapag nagkasakit sila, burial assistance, at iba pang economic relief dahil nga wala silang nakukuhang benepisyo noong araw.

Kaya’t isang malaking karangalan ang mabigyan ng pambihirang pagkakataon na tumayo at itaguyod ang pagpasa ng Senate Bill No. 2505 dahil hindi lamang ito katuparan ng sinimulan ng aking ama, katuparan din ito ng mithiin ng mga taga-industriya ng pelikula at telebisyon—ang suklian ang kanilang dedikasyon, propesyonalismo at talento ng mga benepisyong dapat sana ay noon pa nila tinatamasa.

Isang malaking karangalan din para sa akin na maging bahagi ng pagpasa ng Eddie Garcia Act, isang batas na naglalayong protektahan at itaguyod ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon. Ang batas na ito ay isang pagkilala sa buhay at kontribusyon ng yumaong beteranong aktor na si Eddie Garcia, na nagbigay ng inspirasyon at kasiyahan sa milyun-milyong Pilipino sa loob ng mahabang panahon. Siya ay isang halimbawa ng dedikasyon, propesyonalismo, at talento sa larangan ng pelikula at telebisyon.

Nakalulungkot isipin na ang pagpanaw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia ang nagbunsod sa panukalang batas na ito. Sa isang banda, nakakapanatag ng loob na hindi na tayo nagpatumpik-tumpik pa at hinayaan na may magbuwis pa ng buhay nang dahil sa kakulangan ng mga safety precautions sa mga shooting locations. 

Bagama’t nawalan tayo ng isang itinuturing na haligi ng pelikulang Pilipino, nag-iwan naman siya ng pamanang pakikinabangan ng kanyang mga kasamahan sa industriya at maging ng mga susunod pang henerasyon.

In the conduct of consultative meetings and public hearings, we witnessed the zeal of these dedicated and innovative people, who advocated and rationalized the Eddie Garcia bill.

Kaya naman Mr. President, nagpapasalamat ako sa aking mga kasamahan, dito sa Senado na sumuporta at nagtaguyod sa panukalang batas na ito—ang ating co-sponsors at co-authors, sina Senate President Migz Zubiri, Majority Leader Joel Villanueva, Senators Francis Tolentino, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Grace Poe at Bong Go, Lito Lapid Ramon Bong Revilla, at si Robin Padilla.

Hindi rin po matatawaran ang maigting na suporta na ipinamalas ng nag-iisang Senator Lito Lapid, si Senator Ramon Bong Revilla Jr., at Senator Robin Padilla.

Nais ko rin pong pasalamatan ang ating mga kasama sa industriya na nakausap natin tungkol sa panukalang ito, gayundin ang mga nandito ngayon, na bagama’t hindi sila ang direktang makikinabang dito ay pinili nilang suportahan at ipaglaban ang karapatan ng maliliit na kasamahan natin sa likod ng camera. 

  • Mr. Tirso Cruz III – Chairperson and  Chief Executive Officer, Film Development Council of the Philippines (FDCP)
  • Mr. Percival M. Intalan – President, Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA)
  • Atty. Joji Alonso – Vice President and Legal Counsel, Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA)
  • Mr. Dingdong Dantes – Chairperson, AKTOR
  • Ms. Marian Rivera-Dantes
  • Ms. Iza Calzado-Wintle – Board of Director, AKTOR-League of Filipino Actors
  • Mr. Martin Nievera
  • Ms. Pops Fernandez
  • Bb. Joyce Bernal
  • Ms. Kylie Padilla
  • Ms. Mariel Padilla
  • Mr. Philip Salvador
  • Mr. Bembol Roco
  • Mr. Herbert Bautista
  • Ms. Marjorie Barretto
  • Michael de Mesa
  • Ricky Davao
  • Jestoni Alarcon
  • at ang maybahay ni Eddie Garcia, Tita Lilibeth Romero.

Hinihikayat ko ang ating Pangulo na lagdaan ito sa lalong madaling panahon, upang maging ganap na batas. Nananawagan din ako sa lahat ng mga stakeholder sa entertainment industry na makiisa at makipagtulungan na maipatupad nito, upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga manggagawa at mapaunlad ang movie at TV industry.

Muli, ako ay lubos na nagagalak at nagpupugay sa pagpasa ng Eddie Garcia Act. Ito ay isang makasaysayang tagumpay para sa ating lahat.

Marami pong salamat, Tito Eddie Garcia.

Mabuhay ang industriya ng pelikula at telebisyon! Mabuhay ang mga manggagawa sa movie at TV industry!

Celebrities extol Senate’s approval of Eddie Garcia Bill: Notable movie and television personalities extolled the Senate’s approval on third and final reading of proposed Eddie Garcia Law, a measure that will protect the rights and welfare of entertainment industry workers. Garcia’s wife Lilibeth (center, in purple blazer) holds a copy of Senate Bill No. 2505. Beside her (L) is Senator Jinggoy Ejercito Estrada, Chairperson of the Senate Labor Committee who steered the passage of the measure Monday, February 19, 2024. (Office of Senator Jinggoy Ejercito Estrada/ Rey Javelosa