A BILL seeking to provide protection to the rights and ensuring the welfare of movie and television industry workers has made progress in the Senate and is now due for third and final reading next week, Senator Jinggoy Ejercito Estrada said.
“Even after his passing, Eddie Garcia, widely regarded as the greatest Filipino actor of all time, continues to make history. His legacy, carried under his name, will undoubtedly benefit his colleagues,” stated Estrada, Chairperson of the Senate Committee on Labor and sponsor of Senate Bill No. 2505, or the proposed Eddie Garcia Law.
Estrada on Monday steered the approval on second reading of the measure, that would guarantee industry workers opportunities for gainful employment and decent incomes and protection from abuse, extended working hours, harassment, hazardous conditions, and economic exploitation.
Once passed into law, the veteran lawmaker said Congress will be enacting landmark legislation as the measure will institute needed reforms involving over 400 establishments and thousands of workers.
“Unique at sinasabing ‘peculiar’ ang movie and TV industry dahil sa tinagal-tagal na panahon ay naging normal na sa kanila ang mag-trabaho ng mahabang oras. Minsan ay umaabot pa ng 36 oras o non-stop. Sa panukalang batas, may itatakdang maximum na oras ang kanilang trabaho para na rin mapangalagaan ang kanilang kapakanan,” Estrada said.
Aside from prescribing a normal eight-hour work or up to a maximum of 14 hours or a total of 60 hours in a week, the bill also includes specific provisions on social welfare benefits and insurance from work-related incidents or deaths that would provide the much-needed security and protection in an industry known for its unpredictable nature.
“We cannot allow karoshi, a Japanese term which means death by overwork, to continue in our film and TV industry. We can’t go on like this,” Estrada said.
With overwhelming support from his Senate colleagues, Estrada expressed optimism that the bill will breeze through third reading and have the upper chamber’s version consolidated with the House of Representatives’ bill that was passed last year ratified in a weeks’ time.
“Personal ko na layunin na tulungan ang ating mga kasama sa industriya ng pelikula, telebisyon at radyo. Kasama dito ang pagsisiguro ng kanilang kalusugan at kaligtasan upang maiwasan ang sakuna, sakit, o kamatayan dahil sa paggampan sa kanilang trabaho. The untimely death of one of the icons of the Philippine movie industry, Mr. Eddie Garcia, in 2019 can be, and should be prevented. With our mandate as legislators, we can definitely do more,” Estrada said.
Eddie Garcia bill ipapasa na ng Senado – Jinggoy
ANG panukalang batas na naglalayong magbigay ng proteksyon sa karapatan at tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon ay nakatakda ng ipasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo, ayon kay Senador Jinggoy Ejercito Estrada.
“Kahit na pumanaw na siya, patuloy na gumagawa ng kasaysayan si Eddie Garcia na itinuturing na pinakadakilang Pilipinong aktor. Ang kanyang pamana, na isusunod sa kanyang pangalan, ay tiyak na pakikinabangan ng kanyang mga kasamahan sa industriya,” sabi ni Estrada, chairperson ng Senate Committee on Labor at tagapagtaguyod ng Senate Bill No. 2505 o ang panukalang Eddie Garcia Law.
Pinangunahan ni Estrada noong Lunes ang pag-apruba sa ikalawang pagbasa ng panukalang batas na maggagarantiya sa mga manggagawa sa industriya ng oportunidad para sa magandang trabaho, disenteng kita, at proteksyon laban sa pang-aabuso, pinalawig na oras sa trabaho, harassment, mapanganib na kondisyon sa trabaho at economic exploitation.
Sinabi ng beteranong mambabatas na maituturing na landmark legislation ang panukala dahil kapag ito’y naisabatas na, ipatutupad nito ang mga kinakailangang reporma sa mahigit 400 establisyimento at maka-apekto sa libu-libong manggagawa.
“Unique at sinasabing ‘peculiar’ ang movie and TV industry dahil sa tinagal-tagal na panahon ay naging normal na sa kanila ang mag-trabaho ng mahabang oras. Minsan ay umaabot pa ng 36 oras o non-stop. Sa panukalang batas na ito, may itatakdang maximum na oras para sa kanilang pagta-trabaho para na rin mapangalagaan ang kanilang kapakanan,” sabi pa ni Estrada.
Bukod sa pagtatakda ng normal na walong oras o hanggang 14 oras o kabuuang 60 oras sa isang linggo, kasama rin sa panukalang batas ang mga probisyon para sa benepisyo sa kalusugan at insurance mula sa mga insidente sa trabaho o pagkamatay para masiguro ang kanilang kapakanan sa trabaho.
“Hindi natin dapat payagan ang ‘karoshi,’ isang salitang Hapon na patungkol sa pagkamatay dahil sa labis na pagtatrabaho, na magpatuloy sa ating industriya ng pelikula at telebisyon. Hindi tayo puwedeng magpatuloy sa ganitong kalakaran,” dagdag pa ni Estrada.
Kumpiyansa si Estrada na maipapasa ang SBN 2505 sa ikatlong pagbasa dahil na rin sa ipinakitang suporta ng kanyang mga kasamahan sa Senado. Naaprubahan na ng House of Representatives noong nakaraang taon ang panukala nitong bersyon.
“Personal ko na layunin na tulungan ang ating mga kasama sa industriya ng pelikula, telebisyon at radyo. Kasama dito ang pagsisiguro ng kanilang kalusugan at kaligtasan upang maiwasan ang sakuna, sakit, o kamatayan dahil sa paggampan sa kanilang trabaho. Ang hindi napapanahong pagkamatay ng isang haligi ng industriya na si Ginoong Eddie Garcia noong 2019 ay maaari sana at dapat na maiwasan,” ani Estrada.