SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada has filed a bill that allows the public to participate in every step of the legislative process, whether to amend or enact new laws, through online platforms.
“Sa ilalim ng panukalang ito, maaari silang lumahok sa legislative process – mula sa First Reading, Second Reading at Third Reading – sa pamamagitan ng crowdsourcing,” Estrada said referring to his Senate Bill No. 2344, or the proposed Crowdsourcing in Legislative Policymaking Act.
The proposed measure would enable individuals or groups to engage in crowdsourcing, which is defined as the practice of engaging individuals or a group towards a common goal, often at innovation, problem-solving, or efficiency in the delivery of services.
Through social media or online portals of the Senate and the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), the public can post or submit their inputs or comments to the committee deliberating on a bill.
After the filing of a bill in the Senate or after the First Reading stage, the public can submit their comments within 15 working days, which shall be part of the inputs to be discussed during the committee deliberations. Once the bill is reported on the floor during the Second Reading of the measure, the public is given three working days to submit their comments, and in the Third Reading, another three working days are allotted to the public for their inputs.
Estrada said the PLLO website will be tasked to provide an online platform where the public can start a campaign or petition to review, amend, or repeal a law or create a bill, the result of which may be transmitted to any member of both houses of Congress for appropriate action. The PLLO shall also provide an online crowdsourcing feedback report to inform the proponent/s of the action/s taken.
“Noong kasagsagan ng pandemya, naging virtual ang lahat, pati ang pagpapasa ng batas at dito nakita natin na lumalahok ang mga resource persons sa mga pagdinig sa Senado o committee hearings,” the seasoned lawmaker noted.
Estrada believes that the bill will help broaden the reach of Congress in considering the inputs, suggestions, recommendations, and objections of the people on a particular legislative proposal.
It will also provide channels that will help lawmakers prioritize the issues and problems that need to be addressed, solicit ways on how to solve them, and obtain feedback on the implemented solutions and policies.
Jinggoy ipinapanukala ang pakikilahok ng ‘netizens’ sa pagrepaso, paggawa ng mga batas
NAGHAIN si Senador Jinggoy Ejercito Estrada ng isang panukalang batas na magpapahintulot sa publiko na makilahok sa legislative process sa pag-amyenda o pagbalangkas ng mga bagong batas gamit ang online platforms.
“Sa ilalim ng panukalang ito, maaari silang lumahok sa legislative process – mula sa First Reading, Second Reading at Third Reading – sa pamamagitan ng crowdsourcing,” ani Estrada.
Sa kanyang isinumiteng Senate Bill No. 2344 o Crowdsourcing in Legislative Policymaking Act, ito ang magbibigay-daan sa mga indibidwal o grupo na makilahok sa crowdsourcing. Ang crowdsourcing ay isang makabagong paraan ng pag-uugnay ng taumbayan para sa isang pang-kalahatang layunin, pagtukoy at pagbibigay-solusyon sa iba’t ibang uri ng problema, pagbabago o pagpapabilis sa paghahatid ng mga serbisyo.
Sa pamamagitan ng social media o online portals ng Senado at ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), maaaring mag-post o magsumite ang publiko ng kanilang mga opinyon o komento sa komite na tumatalakay sa isang panukalang batas.
Sa ilalim ng SB 2344, matapos maisumite ang isang panukala o pagkatapos ng First Reading, maaaring magpadala ng mga komento o suhestiyon ang publiko sa loob ng 15 araw at magiging bahagi ito sa talakayan ng komite. Kapag ang panukalang batas ay naiulat na sa plenaryo sa Second Reading, bibigyan ng tatlong araw ang publiko upang magsumite ng kanilang mga komento at sa Third Reading, mayroon ding tatlong araw ang publiko para magbigay ng kanilang opinyon.
Sinabi ni Estrada na sa kanyang panukala, ang PLLO website ay magbibigay ng online platform kung saan maaaring simulan ng publiko ang isang kampanya o petisyon para suriin, baguhin, o bawiin ang isang batas o lumikha ng isang panukala na maaaring ipasa ng sinumang miyembro ng kapulungan ng Kongreso. Ang PLLO ay magbibigay din ng online crowdsourcing feedback report upang ipaalam ang mga aksyon na ginawa.
“Noong kasagsagan ng pandemya, naging virtual ang lahat, pati ang pagpapasa ng batas at dito nakita natin na lumalahok ang mga resource persons sa mga pagdinig sa Senado o committee hearings,” sabi ng batikang mambabatas.
Ayon kay Estrada, makakatulong ito sa pagpapalawak ng saklaw ng Kongreso sa pagsaalang-alang ng mga opinyon, mungkahi, rekomendasyon, at pagtutol ng mga tao sa isang partikular na panukalang batas. Ito rin ay magbibigay ng karagdagang paraan upang matulungan ang mga mambabatas na bigyang prayoridad ang mga isyu at problema na kailangang tugunan, hanapaan ng paraan kung paano ito maso-solusyonan, at makakuha ng feedback ukol sa ipinatutupad na patakaran.