(ABANTE) Binigyang-diin ni Senador Jinggoy Estrada na hindi makakabuti sa bansa ang anumang planong destablisasyon laban sa kasalukuyang administrasyong Marcos.
“Ayaw ko na maulit ang mga kudeta, we cannot move forward pag may kudeta, purong tayo nang paurong, wala na mangyari sa ating bansa wag naman sana maulit,” pahayag ni Estrada sa Kapihan sa Maynila forum nitong Martes.
Ang korapsyon at jueteng scandal sa panahon ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada na naging dahilan para siya ma-impeached.
Noong 2001 nagkaroon ng People Power at napatalsik sa kaniyang pwesto ang dating Pangulo. Pinalitan siya pwesto ng noo’y dating Bise President Gloria Macapagal-Arroyo.
Naniniwala naman ang senador na hindi magtatagumpay ang anumang tangkang destabilisasyon kay Marcos dahil ginagawa naman nito ang lahat para mapabuti ang buhay ng mga Filipino.
Samantala, sinabi ni Estrada na wala namang masama sa ginawang pakikipag-usap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga retiradong heneral. Paniwala pa niya, hindi magagawa ng dating Pangulo na masangkot sa hakbang para patalsikin sa pwesto si Marcos.
“That (talking with the retired generals) is his right as a former president. I don’t think he is involved in destabilizing (the present administration), maybe they were just chatting, the same as before,” sabi ni Estrada.
Nauna nang ibinunyag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na may isang grupo ng mga retiradong opisyal ng sandatahang lakas na kumukumbinsi sa mga sundalo na pabagsakin ang administrasyong Marcos. (Dindo Matining)