PANOORIN | Jinggoy nabahala sa bagong tapatan ng Pinas, China sa WPS

(ABANTE) Nagpahayag ng pagkabahala si Senate Committee on National Defense Senador Jinggoy Estrada sa paninagong insidente sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Navy kung saan gumawa ng dangerous manuevers ang Chinese Navy. Nitong October 13 nagsasagawa ng regular rotation at resupply mission ang BRP Benguet (LS507) nang kanilang mamataan ang Chinese Navy Ship na 80 yard lang ang distansya sa kanila. Dahil dito naglabas ng radio challenge ang Philippine Navy sa Chinese Navy Ship subalit sa halip na umiwas, gumawa umano ng dangerous manuevers para mabangga ng ating sasakyang pandagat.