(ABANTE) Iginiit ng pamunuan ng National Press Club (NPC) of the Philippines ang pakakaroon ng mga dagdag na benipisyo sa media sa pagdinig ng binabalangkas na Media Welfare Act sa ilalim ng SenateSenate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development.
Sa isang position paper na isinumite ni NPC President Lydia Buena, sinabi nito na umaasa sila na maipapasa ito sa Senado ngayong 19th Congress. Ang kaparehong panukala ay nakapsa sa Kamara noong 18th Congress.
Ayon kay Bueno, nais ng NPC na tiyakin na ang lahat ng media workers ay may karampatang kompensasyon o pasok sa minimum wage alinsunod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board
at mga benipisyo na itinakda ng batas katulad ng seguridad, matapos ang pansamatalang anim na buwan na trabaho at baklasin na rin ang Correspondent system.
Ang correspondent ay binabayaran batay sa artikulo nilang ginagawa.
Dagdag pa ni Bueno, kailangan din na magkaroon ng hazard pays, kontrata at overtime fees.
Aniya, dapat din maipasok sila sa Social Security System, Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, at Philippine Health Insurance Corp.
Nangako naman si Senator Jinggoy Estrada, chairperson ng committee na pag-aaralan ang mga panukala para naman maisama sa binabalangkas na batas
Kaugnay nito, iginiit naman ni Leonel “Boying” Abasola, NPC Representative at kasalukuyang Kalihim at Tagasuma, na ang kakulangang suporta ng mga kompanya at kawalan ng batas ay natutugunan naman ng Presidential Communication Office (PCO) sa ilalim nio Sec. Cheloy Garafil sa pamamgitan din ng Presidential Task Force in Media Security PTFoMS Federation of Filipino Chamber of Commerce and Industry, Department of Social Welfare and Development.
Nang tanungin ni Senator Raffy Tulfo kung ano ang ginagawa ng Press Organizations sakaling may pananakot at intimidasyon, sinabi ni Abasola na ang PTFOMS ang nag-uutos sa PNP na ivalidate ang mga pananakot at sampahan ng kaso ang mga sangkot hanggang sa managot ito sa batas.