Mr. President, I would like to bring to the attention of this august chamber the latest development on the case of the abused kasambahay Elvie Vergara which the Senate Committee on Justice and Human Rights under the chairmanship of our esteemed colleague, Senator Francis “Tol” Tolentino is currently investigating.
Isang nakakabahalang kaganapan po ang nangyari kagabi na kinasasangkutan ng dating kasamahan sa trabaho ni Elvie, si alyas “Dodong”, na pinagtangkaang barilin ng riding-in-tandem na may suot na bonnet.
Si Dodong ay tumatayong testigo sa mga pang-aabuso at pagmamaltrato ng employers ni Elvie sa Mamburao, Occidental Mindoro na sina France at Pablo “Jerry” Ruiz.
Bago napabalita ang nasabing insidente kay Dodong, ilang gabi na pala na may umaaligid sa bahay ng kanyang kasalukuyang employers at nagtatanong sa mga residente ng munisipalidad ng Paluan, Occidental Mindoro kung saan siya nakatira.
Tinakasan ni Dodong ang pamilya Ruiz dahil na rin sa takot na malagay sa alanganin ang kanyang buhay. Gayunpaman, handang tumestigo si Dodong para patotohanan ang mga bintang ni Elvie at sa katunayan ay nagsumite na siya ng sinumpaang salaysay sa piskalya kung saan nakasampa ang kaso laban sa mag-asawang Ruiz.
Mr. President, aking napag-alaman na kaninang madaling araw ay na-secure na si Dodong at ngayon ay nasa pangangalaga na ng Criminal and Investigation Group (CIDG) regional headquarters sa Calapan, Oriental Mindoro.
At dahil na rin sa napabalitang pag-casing ng mga kahina-hinalang mga lalaki sa tinutuluyan ni Dodong, minarapat ng mga kaanak at nagmamalasakit kay Elvie na ilipat siya sa mas ligtas na lugar nitong Lunes.
At dahil sa mga pangyayaring ito, maging ang mga kasalukuyang employers ni Dodong ay nangagamba na rin sa kanilang kaligtasan.
Dalawa pang dating mga tauhan ng mag-asawang Ruiz na sina alyas “JM” at alyas “Patrick” na maaaring magbigay linaw sa kaso ni Elvie, ay napag-alaman ko na nagtatago at hindi matunton ng mga kinakaukulan.
Mr. President, bago pa man nangyari ang pagtatangka sa buhay ni Dodong, may mga pulis at sundalo nang nakabantay sa bahay ng kanyang bagong employer batay sa ulat noong September 10 ni ABS-CBN reporter Dennis Datu.
Bantay-sarado man sila, ay nagawa pa rin ang pagtatangka sa buhay ni Dodong. Kaya nakakapagtaka kung bakit nangyari pa ito.
Mr. President, I don’t want to point an accusing finger at anyone at this point but one cannot help but wonder about these bold and brazen acts against these defenseless individuals.
I believe it is necessary to provide additional security for Dodong, Dodong’s employers and even to aliases JM and Patrick if they ultimately agree to testify before the Committee on Justice and Human Rights.
Criminal charges of serious physical injuries, illegal detention, and violation of Republic Act 10361 or Batas Kasambahay were already filed against Vergara’s employers before the Office of the City Prosecutor in Batangas City.
Mukhang pader na maituturing ang binabangga nina Elvie, Dodong, JM at Patrick. Maliit na bagay kung tutuusin ang pagbibigay seguridad sa kanilang kaligtasan kung ang kapalit naman nito ay ang paglalahad ng katotohanan laban sa mga lumalapastangan sa ating mga umiiral na batas at para sa pagtataguyod ng mas naaangkop na mga polisiya.
Protecting the witnesses is not just a legal obligation, it is a moral imperative. By upholding this duty, we not only promote the principles of fairness and equality, ensure an environment where they can testify freely and without fear and foster a culture where the voices of those silenced but willing to stand up for the truth are heard regardless of their social standing and circumstances.
Thank you, Mr. President.