Mr. President, distinguished members, I rise today on a matter of personal and collective privilege. Ito po ay kaugnay ng insidente sa Quezon Avenue paglagpas lamang ng Welcome Rotonda sa Quezon City noong ikawalo ng Agosto, kamakailan lang naiulat at nalaman ng publiko dahil na rin sa masigasig na concerned citizens na ipinost sa social media ang panunutok ng baril ni Ginoong Wilfredo “Willy” Gonzales sa isang hindi armadong siklista.
Base po sa nakalap nating impormasyon ay tinapik diumano ng siklista ang sasakyan ni Ginoong Gonzales dahil nasa loob ng bike lane ang kanyang sasakyan at hindi makadaan ang siklista. Biglang inihinto ni Ginoong Gonzales ang kanyang pulang sasakyan at mukhang nasanggi ito ng siklita, bagay na ikinagalit ng drayber ng sasakyan, bumunot ng baril at ikinasa pa laban sa siklista.
With the help of social media, we were able to know the incident and the man behind the gun-toting incident—which happens to be a dismissed cop due to grave misconduct.
Bakit sa kanyang presscon na mukhang inisponsoran at binack-up-an pa ng kanyang mga kabaro sa PNP, ay mga vloggers at netizens pa ang sinisisi dahil na-expose ang maling gawain niyang ito?
Had this issue not surfaced, mababaon na lamang ito, maaagrabyado ang publiko, at malamang maulit pa sa iba.
We must not accept this culture of impunity to continue especially on our public roads. Clearly, Mr. Gonzales is a danger to the cycling, commuting, or riding public.