Manifestation on the approval on third reading of Senate Bill No. 2019: Caregivers’ Welfare Act under Committee Report No. 57

MANIFESTATION ON THE APPROVAL ON THIRD READING

SB 2019 UNDER COMMITTEE REPORT NO. 57

CAREGIVERS’ WELFARE ACT

SENATOR JINGGOY EJERCITO ESTRADA

Ginoong Pangulo, nais ko pong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa ating mga kasamahan para sa kanilang pagsuporta sa pagpapasa ng panukalang batas natin na “Caregivers’ Welfare Act” sa Ikatlong Pagbasa.

Maraming salamat po sa ating Minority Leader, Senator Koko Pimentel; sa ating Deputy Minority Leader, Senator Risa Hontiveros; sa ating Majority Leader, Senator Joel Villanueva, at sa aking kaibigan, Senator Robinhood Padilla, para sa kanilang mga katanungan at mga susog (amendments) upang maging mas malinaw at makabuluhan ang ating panukalang batas.

Nais ko ring pasalamatan ang mga authors at co-sponsors ng “Caregivers’ Welfare Act” na sina:

  1. Senator Loren Legarda (principal author and co-sponsor)
  2. Senator Sonny Angara (co-author and co-sponsor)
  3. Senator Francis “Tol” Tolentino (co-author)
  4. Senator Ramon Bong Revilla, Jr. (co-author and co-sponsor)
  5. Senator Bong Go (co-author and co-sponsor)
  6. Senator Cynthia Villar (co-author)

Hindi rin po matatawaran ang dedikasyon ng ating mga resource persons mula sa iba’t ibang ahensiya, kasama na ang Department of Labor and Employment o DOLE, partikular na ang Bureau of Local Employment at Bureau of Working Conditions, Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, at Department of Migrant Workers o DMW.  Kasama din po natin ang mga organisasyon mula sa pribadong sektor, kabilang na ang samahan ng mga caregivers, na kaakibat natin sa pagsusulong ng panukalang batas na ito.  Sila po ang matiyagang tumulong sa inyong Komite upang maibalangkas ang “Caregivers’ Welfare Act” at mabigyan ng katugunan ang mga katanungan ng mga kasamahan natin sa bulwagang ito.  Nagpapasalamat po ako sa kanilang tulong at suporta.

Para sa kapakanan ng ating mga caregivers, ang Senado ay nagkaisa upang aprubahan ang “Caregivers’ Welfare Act”.  Ito po ay isang mahalaga at espesyal na pagkakataon para sa inyong lingkod.  Tayo ay nagpasa ng panukalang batas na magbibigay ng proteksiyon sa isang “vulnerable but vigorous” sector of our society.  Katulad ng Batas Kasambahay na ipinagdiwang natin ang ika-sampung taon ngayon, umaasa tayo na ito ay isang hakbang para sa patuloy na pag-unlad at pagbuti ng kalagayan ng ating mga caregivers.

Muli, maraming salamat po Ginoong Pangulo.