Abusadong employer pinaparurusahan

(ABANTE) KAHIT  na nagnakaw si Elvie Vergara, dapat pa ring parusahan ang kanyang mga employer sa matinding pagmamaltrato na dinanas ng kasambahay.

Inilabas ni Senator Jinggoy Estrada ang pahayag hinggil sa 44-anyos na kasambahay na nabulag at nagtamo ng maraming pinsala matapos umanong abusuhin ng kanyang mga amo sa Occidental Mindoro.

“The people Elvie served for six years have no place in society,” ayon kay Estrada.

“Even if the alleged maid has committed theft, legal action or competent justice should prevail. We should not take the law into our hands,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon kay Estrada, inakusahan si Vergara ng pagnanakaw ng P12,000 cash at relo na nagkakahalaga ng P15,000.

Ang pagnanakaw ay nag-udyok umano sa mga amo na saktan si Vergara sa nakalipas na tatlong taon, na naging sanhi ng kanyang bahagyang pagkabulag at iba pang trauma.
LIZA SORIANO