Include foreign language elective courses in higher education curriculum – Jinggoy

FOREIGN language other than English should be offered as an elective course in all higher education institutions in the country to help prepare students in linguistically and culturally diverse workplaces, Senator Jinggoy Ejercito Estrada said.

“This will make the Filipino students adequately equipped to be 21st-century learners. They would be able to connect with the world and be more globally competitive in their future workplaces,” Estrada said in filing Senate Bill No. 2341.

The proposed Foreign Language Education Act mandates the Commission on Higher Education (CHED) to develop and execute a program to offer three-unit basic foreign language courses for beginners in all higher education institutions.

Estrada emphasized that the inclusion in the higher education curriculum of foreign language courses will only be an elective course and will not in any way replace Filipino as a core subject.

The seasoned lawmaker said the measure is aimed at continuing the special program in foreign language classes currently implemented by the Department of Education (DepEd) in public schools for Grades 7 to 12 students.

The program started In 2009 in select schools and only offered Spanish language but was later expanded to include Nihongo, French, German, Mandarin, and Korean.

“This would benefit Filipino students as they will be able to communicate efficiently with other foreign nationals and will have better job opportunities in companies that require multilingual employees,” Estrada said.

“Hindi lang magkakaroon ng competitive advantage kapag sila’y sumabak na sa pagtatrabaho dahil magbibigay din ito ng personal growth sa kanila. Mapapalawak nito ang kaalaman, karanasan at pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kultura bukod pa sa mapapataas din ang kanilang kumpiyansa,” he added. 


Foreign language elective courses, dapat isama sa curriculum sa kolehiyo – Jinggoy

BUKOD sa Ingles, dapat ialok din bilang elective course ang iba pang foreign languages sa lahat ng kolehiyo sa bansa upang maihanda ang mga mag-aaral na maging linguistically at culturally diverse, sabi ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada.

“Sa paraang it, magkakaroon ng sapat na kakayahan at kaalaman ang mga Pilipinong mag-aaral na naaangkop sa ika-21 siglo. Magiging madali ang kanilang pakikipag-ugnayan sa buong mundo at magiging higit na globally competitive kumpara sa ibang mag-aaral sa pagsabak nila sa trabaho,” pahayag ni Estrada sa paghahain ng Senate Bill No. 2341.

Sa kanyang iminungkahing Foreign Language Education Act, aatasan ang Commission on Higher Education (CHED) na gumawa at magpatupad ng programa na mag-aalok ng tatlong unit na basic foreign language courses for beginners sa lahat ng higher education institutions.

Binigyan diin ni Estrada na ang pagkakaroon ng kurso na dayuhang wika sa curriculum sa kolehiyo ay magsisilbing elective course lamang at hindi papalitan ang Filipino bilang core subject.

Binanggit ng batikang mambabatas na layunin ng panukalang batas na ipagpatuloy ang special program sa foreign language classes na kasalukuyang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan sa mga mag-aaral sa Grade 7 hanggang Grade 12.

Nagsimula ang programa noong 2009 sa mga piling paaralan at nag-aalok lamang ng Spanish language ngunit kalaunan ay pinalawak pa at isinama ang Nihongo, French, German, Mandarin at Korean.

“Mapakikinabangan ito ng mga Pilipinong mag-aaral dahil magagawa nilang makipag-usap nang mahusay sa mga dayuhan at magkakaroon sila ng  mas maraming oportunidad sa trabaho sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga multilingual na empleyado,” sabi ni Estrada.

“Hindi lang pagkakaroon ng competitive advantage kapag sila’y sumabak na sa pagtatrabaho kundi ay magbibigay din ito ng personal growth sa kanila. Mapapalawak nito ang kaalaman, karanasan at pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kultura bukod pa sa mapapataas din ang kanilang kumpiyansa,” dagdag pa niya.