I am deeply saddened and alarmed by this tragic incident. My thoughts and prayers go out to the victims and their families during this difficult time.
Sa isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard at sa pagsuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ng safety certificate ng Aya Express, umaasa tayo na mabibigyan ng hustisya ang mga nasawing pasahero.
We must hold those responsible accountable for their actions, or inactions, that may have contributed to this tragedy. There must be full transparency in their conduct of comprehensive and impartial inquiry into the incident.
Parang sirang plaka ang sabihin na dapat magsilbing wake-up call ang pangyayaring ito sa mga kinauukulan sa pasasagawa ng masusing pagsusuri sa mga safety protocols at enforcement measures para hindi na maulit ito.
Hindi katanggap-tanggap na may natutulog sa pagtupad ng kanilang tungkulin kaya dapat lamang na patawan sila ng kaukulang parusa.
Pero ang mas nakakadismaya ay ang malinaw na kapabayaan at pagpapairal ng kasakiman ng ilan sa ating mga kababayanan na mas prayoridad ang kita kesa sa buhay at kapakanan ng publiko. Dapat lamang na maparusahan sila ayon sa mga umiiral na batas.