Jinggoy: Mga tambay na nurse dapat kunin ng DOH

(ABANTE) Mas mainam unanong kunin ng gobyerno ang mga nurse na kapapasa lang imbes na ang mga bumagsak sa licensure examination.

Ito ang rekomendasyon ni Senador Jinggoy Estrada sa Department of Health (DOH) bunsod nang naunang pahayag ni Health Secretary Teo­doro Herbosa na bigyan ng temporary license ang mga nursing graduate na bumagsak o nakakuha ng score na 70 hanggang 74 sa kanilang board exam para masolusyunan ang kakulangan ng mga nurse sa mga pampublikong ospital.

“Hindi dapat tayo padalos-dalos. Hindi ako sang-a­yon sa pagha-hire ng flunkers­. Buhay ng tao ang nakataya tapos ipapaalaga mo sa hindi pumasa?” diin ni Estrada sa panayam ng mga reporter.

Ayon kay Estrada, mahigit 18,000 ang mga nurse na bagong pasa sa board ang hindi pa umaalis ng bansa na maaring kunin ng gobyerno. (Dindo Matining)