Jinggoy calls for stiffer penalties for improper use of police, military uniforms and accessories

SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada has urged the government and the public to beware of the falsities and misrepresentation of people who pretend to be uniformed personnel by wearing police and military uniforms, and even using insignias as accessories.

Estrada said persons outside of the police and military forces who would be caught wearing their uniforms should be slapped with more serious penalties for the offense.

He has filed Senate Bill No. 2149 proposing to have the current penalty of arresto mayor, which carries the penalty of imprisonment of one month and one day to six months, escalated to prision mayor in its minimum and medium periods or a jail term of six years and one day to 10 years.

“The current penalty under Article 179 of the Revised Penal Code is not commensurate to the kind of offense committed and the damage that may be incurred to the victim, especially if the perpetrator is a public official. If the perpetrator is a public official, the penalty to be imposed shall be prision mayor in its maximum period,” the lawmaker said.

The chairperson of the Senate Committee on National Defense and Security said he has been pushing for the approval of his proposal since the 14th Congress.

Estrada said this measure is also aimed at harmonizing the provisions under Republic Act 493, the law prohibiting the use or conferring of military or naval grades or titles by or upon persons not in service of the AFP and Philippine Constabulary, now the PNP.

In a separate bill, Senate Bill No. 2151, Estrada proposed the expansion of the coverage of RA 493 to include the ban on the use, wearing, manufacture, and sale of uniforms and textiles of uniforms of the members of the Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) and Philippine Coast Guard.

“Not a few came to my office complaining that persons, wearing uniforms and/or using insignia pretending to be police officers, accosted and extorted money from them. It is also common that private individuals pretend to be police officers by wearing uniforms and/or using insignia in perpetrating serious crimes like kidnapping, robbery, or even murder to avoid resistance from the victims,” he said.

“Mas mabigat na parusa ang dapat kaharapin nila dahil hindi lamang nila dinudungisan ang imahe ng ating mga alagad ng batas, paglapastangan din ito sa mga sumisimbolo ng disiplina, organisasyon at kahusayan ng mga taong nanumpa ng katapatan sa bandila, sa publiko at sa bansa,” Estrada added.


Jinggoy: Mas mabigat na parusa, dapat ipataw sa maling paggamit ng uniporme ng mga pulis, military at insignia

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga kawatan na walang pagaalinlangang nagkukunwaring miyembro ng kapulisan at ng militar sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga uniporme ng mga pulis at sundalo, pati na rin ng mga insignia bilang accessories.

Inihain ni Estrada ang Senate Bill No. 2149 na nagpapanukala na itaas sa prision mayor, o pagkakakulong ng anim na taon at isang araw hanggang 10 taon, ang umiiral na parusang arresto mayor, na may katumbas lamang na pagkakakulong ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan, para sa mga taong nagkukunwaring mga alagad ng batas gamit ang kanilang mga uniporme at insignias.

“Ang kasalukuyang parusa sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code ay hindi sapat sa uri ng pagkakasala na ginawa at sa pinsalang maaaring idulot sa biktima lalo na kung ang nagkasala ay isang public official. Sakaling public official ang nagkasala, ang parusang prision mayor ang dapat ipataw,” sabi ng mambabatas.

Ayon sa tagapangulo ng Senate Committee on National Defense and Security, dati na niyang itinulak noong 14th Congress ang nasabing panukala.

Sa paliwanag ni Estrada, layon ng panukala na palakasin ang parusa na nakasaad sa Republic Act 493, ang batas na nagbabawal sa paggamit o pagbibigay ng military o naval grade o mga titulo sa mga taong wala sa hanay o serbisyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang hiwalay na inihain na panukalang batas na Senate Bill No. 2151, inirerekomenda rin ni Estrada ang pagpapalawak ng sakop ng RA 493 upang isama ang pagbabawal sa paggamit, pagsusuot, paggawa at pagbebenta ng mga uniporme at tela ng uniporme ng mga miyembro ng AFP, PNP at ng Philippine Coast Guard.

“Hindi iilan ang lumapit sa aking opisina at nagreklamo sa mga taong nagsusuot ng mga uniporme o gumagamit ng mga insignia at nagpapanggap na mga pulis para makapangikil sa kanila. Karaniwan din na mga pribadong indibidwal ang nagpapanggap na mga pulis sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga uniporme at gumagamit ng mga insignia para maisagawa ang mga krimen ng walang paglaban ng kanilang mga biktima tulad ng kidnapping, pagnanakaw pati na pagpatay,” aniya.

“Mas mabigat na parusa ang dapat kaharapin nila dahil hindi lamang nila dinudungisan ang imahe ng ating mga alagad ng batas. Paglapastangan din ito sa mga sumisimbolo ng disiplina, organisasyon at kahusayan ng mga taong nanumpa ng katapatan sa bandila, sa publiko at sa bansa,” dagdag ni Estrada.