WATCH | Sen. Jinggoy, pina-contempt ang 5 pulis sa shabu haul cover up hearing

Na-cite for contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang limang pulis kaugnay sa imbestigasyon sa 990 kilos na shabu na nasabat sa Maynila noong nakaraang Oktubre.

Ang lima ay sina Police Master Sgt. Carlo Bayeta, Patrolman Hasan Kalaw, Patrolman Dennis Carolina, Patrolman Rommar Bugarin at Patrolman Hustin Peter Gular.

Ang desisyon ng komite ay bunga ng pagmamatigas ng lima na hindi sila kasama sa mga umaresto kay

Police Master Sgt. Rodolfo Mayo sa kabila nang kumpirmasyon ni Police Capt. Jonathan Sosongco, ang team leader ng arresting team na kasama niya ang lima.

Sa pagtatanong nina Sens. Jinggoy Estrada at Bato Dela Rosa, ilang ulit na nag-invoke nang kanilang right to remain silent ang lima na naging dahilan ng pagkaka-contempt sa mga ito.

SOURCE: https://radyo.inquirer.net/329588/5-pulis-na-contempt-sa-shabu-haul-cover-up-hearing

Video: PRIB/ Senate of the Philippines | IG: senateph