Inspirational Message: National Youth Convention 2022

Inspirational Message

National Youth Convention 2022

National Youth Commission, Lopez Hall of Leaders, 

Philippine Military Academy, Baguio City

November 26, 2022, Saturday, 3PM 

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Nais kong pasalamatan ang National Youth Commission, sa pangunguna ni Chairman Ronald Gian Carlo Cardema, sa imbitasyon na maging bahagi at panauhing pandangal dito sa pagtitipong ito. 

I’m pretty impressed with the list of activities that NYC organized for all of you. Understanding the importance of leadership will help you lead more fulfilling and socially engaging lives.  All of you can be agents of social change but it will not come in handy unless you hone your skills by educating yourselves. Education is the most powerful weapon you can use to change the world according to Nelson Mandela. 

Batid ko na malaking bentahe ang pagiging anak ni dating Presidente Joseph “Erap” Estrada sa aking kinalalagyan ngayon. I was much in the public eye since time immemorial as my father, as you all know that prior to his foray into politics, already established himself as a living legend in local filmdom. 

At gaya ng kanyang mga tagahanga, iniidolo ko ang aking ama kaya’t sinundan ko ang kanyang yapak na manilbihan sa noo’y munisipalidad ng San Juan. 

Bago pa man siya naluklok bilang pang labingtatlong presidente ng ating bansa, maaaring lingid sa inyong kaalaman, ay pinaghandaan ko ang mundong kinabibilangan ko ngayon. Nag-aral ako ng abogasya habang naninilbihan ako bilang San Juan vice mayor sa edad na dalawampu’t lima. Mula sa pagiging local executive ay minabuti ko na manilbilhan na may national mandate sa kagustuhan ko na rin na maging instrumento sa mga kinakailangan nating mga pagbabago na ikabubuti ng mas nakakarami sa atin. Sa dalawang termino na paninilbihan ko sa Senado mula 2004 hanggang 2016, pinagsumikapan ko na makipagsabayan sa mga batikang mambabatas. 

Nagsilbing mentor ko noong mga panahong ‘yun ang mga tinitingala ko na mga batikang mambabatas tulad ni Senator Juan Ponce Enrile at ng namayapang si Senador Miriam Defensor-Santiago. Hindi nila ako pinagkaitan ng kanilang galing at talino at pinahahalagahan ko ang mga natutunan ko sa kanila hanggang ngayon. 

Mapapalad kayo na may mga ganitong oportunidad na ibinibigay sa inyo bilang paghahanda sa pagtupad ng inyong mga tungkulin. Sana ay kapulutan ninyo ito ng aral at isabuhay sa hinaharap. 

These kinds of activities will fill your head with good information and needed skills. Leadership can’t be taught through but it can be learned. One has to have the appetite, courage, and commitment to be a good leader. Leadership is both a virtue and skill that youth leaders like all of you must seek to acquire. 

Sa nakaraang halalan, higit sa kalahati ng mga lumahok na 65.7 million voters sa bansa ay nasa edad na labingwalo hanggang apatnapu’t isa batay sa talaan ng Commission on Elections o Comelec. Malinaw na “prime mover” ang kabataan sa mga naluklok sa puwesto at kabilang na ako dito. Ang boses ninyo ang nangibabaw sa pagpili ng mga dapat mamuno at magsilbi sa ating gobyerno sa mga darating na taon. 

Nasabi ni dating United Nations Secretary-General Kofi Anan ang mga katagang ito: “From creating start-ups to igniting revolutions, young people have been toppling the old structures and processes that govern our world. Just imagine what solutions might be found if young people are given the space and encouragement to participate and lead.” 

Matapos ang pagtitipong ito, sana ay maging mas mulat kayo sa mga haharapin ninyong mga gawain at tungkulin na kayo mismo ang pumili. Do not shy away from responsibilities. Have the courage to share your talents and latent qualities that may be developed to future success or usefulness. 

Muli, maraming salamat sa National Youth Commission sa pagkakataong ibinigay sa akin na makaharap kayo. Mabuhay kayong lahat!