(DZAR 1026) Hiniling ni Sen. Jinggoy Estrada sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng audit inspection hinggil sa laptop issue ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa nakaabot na ulat kay Sen. Estrada, may pinapaboran umano ang DepEd na suppliers.
Ilan sa mga binanggit ng senador sa isang sulat na ipinadala nito sa COA ay ang Advance Solutions Inc., Columbia Technologies Inc., Reddot Imaging Philippines Inc., Techguru Inc. at Girltekki Inc.
Dahil dito, hinihikayat nga ni Estrada ang COA sa pangunguna ni Chairperson Jose Calida na silipin ang isyung ito. –Vhalery Divinagracia/ DZAR
