Manifestation Speech: Senate Resolution honoring the PDRRMO rescuers who died during Typhoon Karding Rescue Mission

Oftentimes, we remember typhoons and other natural disasters because of the magnitude of damage they have created, in terms of the amount of properties destroyed and the number of lives lost.  

Super Typhoon Karding, with the international name – Noru, which has left a trail of destruction in the greater Luzon province, will be most remembered, in the rescue and emergency response community, for it had claimed the lives of five rescue officers from the Province of Bulacan, in the line of duty.

This now puts to light the unsung bravery, courage and heroism of our local disaster risk reduction and management officers.  

While most of us, civilians, are in the safety and comforts of our homes during typhoons, disasters and calamities, there are these contingents of LGU employees, who, together with our policemen and our soldiers are at the forefront of rescue operations – at the very center of the action. 

Hindi po madali ang buhay ng isang rescue officer. Sa panahon ng unos, lindol, bagyo, disgrasya at iba pang emergencies, ay kailangan nilang iwan ang kanilang mga pamilya upang tumugon sa tawag ng tungkulin sa pagliligtas ng buhay ng iba.  

Hindi naman po kalakihan ang suweldo ng ating mga rescue officers na ito. At hindi ko rin po sigurado kung sapat ang kanilang hazard pay at kung sila ay may dagdag na accident at life insurance, liban sa GSIS coverage na meron ang mga kawani ng gobyerno. Pero sa kabila nito, ay patuloy silang nagta-trabaho mapa-panahon man ng natural disasters o simpleng banggaan sa kalsada. 

Nakalulungkot lamang po na sa dina-dami ng rescue operations na naisagawa nina rescue officers George Agustin, Troy Justin Agustin, Marvy Bartolome, Narciso Calayag, Jr. at Jerson Resureccion, ay ngayon lamang lubos na napansin, at nabigyan ng malawakang pagkilala ang kanilang trabaho.    

At nakalulungkot rin nga pong maisip, na noong sila naman ang nangailangan na ma-rescue, ay wala pong responde ang nakarating sa kanila.

Ngunit sa isang banda na rin, ay nagkaroon ng kabuluhan ang kanilang kabayanihan dahil ngayon ay nabibigyan ng atensyon at parangal ang kadakilaan ng ating mga disaster responders.  

Kaya naman, ako po ay nakikiisa sa pagpapaabot ng pagkilala at parangal para sa ipinamalas na kagitingan ng ating mga bayaning sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marvy Bartolome, Narciso Calayag, Jr. at Jerson Resureccion, ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.  

Kalalakip rin nito ang aking pagkilala sa katapangan at kagitingan ng lahat ng ating mga bayaning disaster and emergency rescuers sa buong bansa, na patuloy na rumeresponde sa tawag ng tulong, sa kabila ng panganib sa kanilang buhay. 

Bilang chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, kung saan ay nakapaloob ang aspeto ng National Disaster Risk Reduction and Management, ay pag-aaralan po ng aking komite kung paano makatutulong upang higit na pag-ibayuhin ang interes, kapasidad at kalagayan ng ating mga disaster responders upang higit silang makatugon sa tumitinding hamon ng kanilang tungkulin.

As Alexander Dumas once said, “what makes you a man is what you do when that storm comes.” And these five rescuers, along with all our other disaster and emergency responders; have always chosen to heed the call of their rescue mission; to be of help to others; and to save peoples lives; at the risk of their own; not only during storms, but during all other disasters, calamities and emergencies, as well. 

Muli, ang akin pong taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng ating mga bayaning responders at ang aking malugod na pagkilala sa kadakilaan na kanilang ipinamalas. 

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon, na sa gitna ng peligro at panganib, ay likas na pumapaimbabaw ang kabayanihan ng dugong pilipino.  

To this end, Mister President, I would like to be made co-author and co-sponsor of Senate Resolution No. 233, taking into consideration Senate Resolutions No. 238 and 240.

Thank You, Mister President.